^

True Confessions

Damo sa Pilapil (68)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ABA malapit na ‘yun Zac,” sabi ng matandang janitor na parang gustung-gusto nang si Zac ang maging ma­nager. “Parang kailan lang e messenger ka pero ngayon, may sarili ka nang mesa.’’

“Marami akong kakaining kanin, Manong.’’

“Basta kapag nangyari iyon, huwag mo naman akong kalimutan, Zac. O kaya yung anak ko na lang ang ipapasok ko rito. Matatapos na sa kolehiyo ang anak ko.’’

“Huwag kang mag-alala Manong at tu­tu­lungan kita.’’
“Sa­­­la­mat Zac. Alam kong magtatagum­pay ka dahil mabait at mapagkakatiwalaan ka.’’

“Salamat Ma­nong.’’

“Hindi ka katulad ng isang bisor diyan na akala mo e nabili na niya itong kompanya. Super yabang e galing din naman­ sa wala. Bakit ga­nun Zac, kung sino pa ang ga­ling sa wala e siya pang mataas at abusado.’’

Ngumiti lamang si Zac.

“Sige po Manong, punta na ako sa department ko.’’

Mula nang maging regular na empleado si Zac at mayroon nang sariling table, lagi niyang napapansin na padaan-daan sa kanilang department ang bisor na asar sa kanya. Titingnan siya nang matalim.

Minsan, nagkatinginan sila. Titig na titig sa kanya na parang lalamunin siya.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with