Damo Sa Pilapil (7)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2017 - 12:00am

Babae ang sumagot sa kabilang linya.

“Hello, Mam, good morning­,’’ sabi ni Zacharias na nanginginig ang boses.

“Good morning. Ano ang maipaglilingkod ko,” sagot ng babae sa magalang na boses.

“Mam puwede po bang makausap si Mam Dulceamor Santos.’’

“Speaking, I’m Dulceamor. Ano po ang iyong kailangan?’’

“Mam Dulce ako po si Zac.’’

“Zac?’’

“Opo si Zac po yung tumulong sa’yo noon nang ma-flat tire ka mga isang buwan na ang nakararaan.’’

Natahimik sa kabilang linya. Nag-iisip marahil si Mam Dulceamor. Sunud-sunod naman ang kaba ni Zac. Baka hindi na siya natatandaan ni Mam Dulce. Baka nga tama ang kanyang tatay na nakalimutan na siya nito. Ang mga mahihirap na katulad niya na inihalintulad pa ng kanyang tatay na “damo sa pilapil” ay madaling makalimutan ng mga mayayaman na tulad ni Mam Dulceamor.

“A, oo! Ikaw yung tumulong sa akin! Ikaw yung binigyan ko ng calling card nang ayaw mong tanggapin ang ibinibigay kong pera.’’

Nabuhayan ng loob si Zac. Natatandaan siya ni Mam Dulce.

“Ako nga po Mam Dulce.’’

“Bakit ka tumawag Zac?’’

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Zac.

“Mam Dulce, hihingi po ako ng tulong sa’yo. Baka po matulungan mo akong maihanap ng trabaho. Kahit po janitor tatanggapin ko. Kahit po anong trabaho, Mam.’’

Natahimik muli si Mam Dulce. Maaaring nag-iisip ito sa mga sinabi ni Zac. Baka nabigla sa sinabi niya.

“Sige, gagawa ako ng paraan na maihanap kita ng trabaho. Tatawagan kita bukas o sa makalawa. Ano ang number mo?’’

“Mam wala po akong phone, tumawag lang po ako sa pay phone. Ako na lamang po ang tatawag sa’yo Mam Dulce.’’

“Ah, ganun ba? E di ang laki nang babayaran mo sa pakikipag-usap sa akin.’’

“Okey lang po, Mam Dulce.’’

“Ganito na lang. Pupunta uli ako diyan sa bayan n’yo sa Linggo. Abangan mo ang sasakyan ko dun sa mismong spot na na-flat tire ako. Okey? Sige babay na at baka malaki na ang babayaran mo.’’

“Salamat po Mam.’’

Pakiramdam ni Zac ay nasa alapaap siya. (Itutuloy)

DAMO SA PILAPIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with