^

True Confessions

Salome (140)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANG kaligtasan ng kanyang daddy ang nasa isip ni Mac. Nga­yong marami na siyang nalaman sa mga nangyayari sa kanilang bahay, idagdag pa ang mga pinagtapat ni Manang Sabel, ka­ilangang maka­usap niya ang kanyang daddy. Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa at sasabihin ang lahat nang lihim ng asawa nitong si Pilar. Pati na rin ang mga ginawa nito kay Salome.

Tinawagan muna niya ang kanyang daddy at hiniling na mag-usap. Galit ang kanyang daddy nang mag-usap sila. Sinisi siya kung bakit dinala si Salome.

“Ahas ang dinala mo, Mac. Kung alam ko lang na traidor ang Salomeng yun, hindi ko na tinanggap. Pati si Pilar, tinangkang pa­tayin.’’

“Mag-usap tayo, Daddy. Marami ka pang hindi nalalaman.’’

“Ano pa ang pag-uusapan natin? Hindi na. Magkanya-kanya na tayo.’’

“Pakinggan mo ako Daddy. Kahit ngayon lang. Mag-usap tayo.’’

“Punyeta! Ano bang pag-uusapan natin?’’

“Hindi ko puwedeng sabihin sa phone. Kailangang mag-usap tayo nang masinsinan. Please Daddy, marami kang dapat malaman.’’

Natahimik si Sir Hector. Buntung-hininga lang nito ang narinig ni Mac. Nag-iisip marahil.

“Please Daddy. Dito na lang sa bahay natin sa Bustillos tayo magkita. Hindi ako aalis. Hihintayin kita.’’

Narinig muli ni Mac ang bunting-hininga.

“Okey sige.’’

Nakahinga nang ma­luwag si Mac.

MAKALIPAS ang isang oras ay dumating ang kanyang daddy sa lumang bahay nila sa Bustillos.

Halatang may kini­kimkim na galit ang kan­yang daddy. Hindi ngumiti nang batiin niya.

“O anong pag-uusapan natin?’’

Hindi na nagpatum­pik-tumpik si Mac. Binul­gar na niya.

“Matagal ka nang niloloko ng asawa mo Daddy. Habang nasa abroad ka naki­kipagrelasyon siya sa ibang lalaki. At alam mo kung sino ang lalaki? Ang driver n’yo! At mayroon siyang binabalak sa iyong masama.’’

“Punyeta ka, Mac! Bakit pati si Pilar ay pinag-iisipan mo nang masama. Si Salome ang traidor bakit si Pilar ang binabanatan mo? At anong nakikipagrelasyon siya? Anong kataranduhan ang sinasabi mo?’’

“Bakit hindi ka mag-imbestiga Daddy.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with