^

Black Widow (141)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2016 - 9:00am

HABANG tumatakbo ang kotse patungo sa Dapitan na tirahan ni Jam, tumatakbo rin ang isip ni Jose kung paano ang gagawin para makaiwas sa babae. Tiyak na hindi papayag si Jam na hindi siya bumaba sa kotse at pumasok sa bahay nito. Kaila­ngang gawin niya ang pinangako rito. Siguradong magwawala ang babaing ito kapag hindi niya tinupad ang sinabi.

Kung anu-ano ang naisip niya para mapigilan ang anumang mangyayari sa sandaling makarating sila sa bahay ni Jam. Sana ay ma-flat ang gulong ng kotse. Sana ay biglang maubusan ng baterya. Sana ay mag-overheat. Sana ay matrapik sila at walang galawan kaya maglala­kad na lamang si Jam pauwi

Pero walang nangyari sa kanyang mga inisip at nakarating sila sa Dapitan. Iyon ang ikalawang pagkakataon na nakara­ting siya sa apartment ni Jam.

Ipinarada niya sa harap ng apartment ni Jam ang kotse. Pinatay ang ma­kina.

“Halika na, Jose,’’ sabi ni Jam na nakangiti.

Wala nang magagawa si Jose. Tiyak niya, hindi bababa si Jam hangga’t hindi siya bumababa.

Kumilos si Jose at binuksan ang pinto ng kotse. Saka lamang kumilos si Jam at bumaba rin.

Bahala na! Sabi ni Jose nang naglalakad patungo sa gate ng apartment. Magkasabay sila ni Jam. Ayaw siyang hiwalayan. Nakapasok sila sa loob ng bakuran. Napansin ni Jose na bagong pintura ang apartment. Dinukot ni Jam ang susi sa bag. Sinusian ang pinto. Itinulak at saka inapuhap ng kamay ang switch ng ilaw. Nagliwanag sa salas.

“Maupo ka.’’

Naupo si Jose.

“Anong gusto mong inumin? Juice, softdrink, beer o alak?’’ tanong ni Jam.

“Wala.’’

Napangiti si Jam.

“Wala kang gusto?’’

Tumango si Jose.

“Kung wala kang gusto, e di halikan mo na lang ako. Di ba ’yan ang sinabi mo kanina.’’

At nakita ni Jose na hinuhubad ni Jam ang blouse nito. Talagang gusto ni Jam na mangyari sa kanila!

(Itutuloy)

ACIRC ANG ANONG AYAW BAHALA DAPITAN JAM JOSE SANA TIYAK WALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with