Black Widow (138)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2016 - 9:00am

ISINUBSOB pa ni Jam ang ulo sa balikat ni Jose habang naglalakad sila sa parking area. Kumikis­kis sa kanyang dibdib ang malulusog na suso ni Jam. Pakiramdam niya, nagbabaga ang katawan ni Jam.

Nasa dulo ang kot­se kaya malayu-layo rin ang kanilang lalakarin. Pakiramdam ni Jose, gusto ni Jam na may mangyari sa kanila. Mukhang hindi na siya pakakawalan ni Jam. Nakakita na ng pagkakataon kaya ayaw nang palampasin pa. Ngayon nagsisisi si Jose kung bakit hindi pa itinuloy ang pagtakas kanina. Pinairal pa kasi niya ang pagkamaginoo at pagiging mabait. Hindi pala dapat pairalin sa lahat nang pagkakataon ang pagiging maginoo --- lalo sa tulad ni Jam na pakiramdam niya’y ang sarili lamang ang naiisip. Maysakit kaya ang babaing ito at tila wala nang hiya. Pati ang nobyo ng kaibigan ay gustong agawin. O baka talaga lamang sobra ang pagkahumaling sa kanya kaya wala nang pinangingilagan.

Nakarating sila sa ki­napaparadahan ng kot­se. Bumitaw lamang sa kanya si Jam nang buksan niya ang kotse at sumakay sila. Pinaandar niya. Aalis na sana sila nang pigilin siya ni Jam.

“Mamaya tayo umalis. Sige na.’’

“Gagabihin tayo, Jam.’’

“Sandali na lang. Sige na. Mag-usap muna tayo.’’

“Ano pa bang pag-uusapan natin?’’

“Tungkol sa ating dalawa.’’

Napalunok si Jose. Anong ibig sabihin ni Jam?

“Kahit naman kasal na kayo ni Marie, puwede pa rin tayong dalawa. Puwedeng-puwede ako. Hindi ako nagbibiro Jose.’’

Gimbal si Jose. Anong nangyayari kay Jam.

Lalo siyang na­gim­bal nang bigla siyang pupugin ng halik ni Jam at ang kanang kamay ay ipinatong sa harapan niya. Malikot ang kamay.

“Halikan mo ako Jose! Halikan mo ako! Sige na!!”

(Itutuloy)

AALIS ACIRC ANG ANO ANONG HALIKAN JAM JOSE NANG PAKIRAMDAM SIGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with