^

True Confessions

Black Widow(137)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGMAMADALING nagtungo sa comfort room si Jose. Palagay niya, walang nahahalata si Jam na tatakas siya.

Pagdating sa CR, pinag-aralan niya kung paano makakalabas na hindi makikita ni Jam. Tamang-tama na malapit sa pintuan ang CR kaya hindi siya mapapansin ni Jam. Kaila-ngan lang ay sumabay   siya sa mga taong lalabas para hindi siya makita.

Ipinasya ni Jose na lumabas na ng CR. Hindi siya dapat magtagal. Kailangang gawin na niya ang pagtakas bago pa makahalata si Jam.

Pero bago siya nakalabas sa CR, nangibabaw ang pagiging maginoo niya. Parang hindi niya kayang iwan si Jam. Kahit pa mayroon itong balak na ikawawasak ng relas­yon nila ni Marie, hindi pa rin niya kayang basta na lamang umalis at iwan si Jam.

Naisip niya, kaya naman niyang tanggihan si Jam sakali at magpahatid ito sa bahay. Tatanggi siya. Kung minsan, nasa lalaki na rin ang deperensiya kaya nahuhulog sa apoy ng tukso. Kung talagang malakas at matibay ang pagmamahal ng lalaki sa kanyang kasintahan, hindi siya matatangay. Malala­banan ang tukso kahit na gaano pa ito katindi. Hin-ding-hindi siya magigiba nang panunukso ni Jam.

Bumalik siya sa mesang kinaroroonan ni Jam.

Nakangiti si Jam.

“Parang pinagpawisan ka, Jose?”

“Oo nga. Nangumpisal kasi ako, he-he-he,’’ sabi niya na ang ibig sabihin ay naupo sa bowl, pero alibi lang yun. “Sumakit kasi ang tiyan ko.’’

“Ano bang kinain mo?’’

“Wala. Hindi ko alam kung bakit sumakit.’’

“E di hindi ka na makakakain?’’

“Oo nga.’’

“Sige alis na tayo. Baka sumakit pang lalo ang tiyan mo e masisi pa ako ni Marie.’’

Tinawag ni Jam ang babaing crew at hiningi ang bill.

Nang dalhin ang bill, binayaran ni Jam. Hindi na hinintay ang sukli.

“Tayo na, Jose.’’

Lumabas na sila.

Habang naglalakad palabas, humawak si Jam sa braso ni Jose. Hindi malaman ni Jose ang gagawin sa pagkakataong iyon. Mukhang ngayon na magsisimula si Jam sa pagwasak sa relasyon nila ni Marie. Mukhang hindi na magpapapigil si Jam.

Habang patungo sila sa parking area, pahigpit nang pahigpit ang hawak ni Jam sa kanyang braso.

Ano kaya at tapatin na niya si Jam na tigilan na nito ang ginagawa dahil hindi naman siya magtatagumpay. Hindi nito kayang buwagin ang pagmamahal niya kay Marie.

Hanggang maramdaman ni Jose ang pagsik-sik ng katawan ni Jam habang naglalakad sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

HABANG

HINDI

JAM

JOSE

MUKHANG

NIYA

OO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with