^

True Confessions

Black Widow (98)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SA palagay mo Jose, nasisiyahan si Jam sa kompanya n’yo?” tanong ni Marie. Tapos na silang kumain at naghihintay na lamang sa pagdating ng bill.

“Isang beses ko pa lang siya naki­kita mula nang mag-um­pisa. Pero sa palagay ko naman, masaya siya.’’

“Malayo ba ang department niya sa inyo?’’

“Oo. Nasa lumang building kasi sila. Yung department ko e mas unang madadaanan.’’

“So puwedeng dumaan sa department n’yo si Jam at saka pa lamang sa kanila?”

“Oo. Mas maaga nga lang siyang pu­mapasok. Ako mga dakong 9:00 o 10:00 a.m.’’

“Hindi ko pa kasi nakukumusta ang bruhang ‘yun. Sabi minsan, siya raw naman ang maglilibre, he-he-he!”

“Ganun ba?’’

“Kaya palagay ko, masaya siya sa work niya.’’

“Mabuti naman. Happy ako sa nangyari sa kaibigan mo.’’

“Salamat uli, Jose. Kailangan pala ay magkakilala tayo para magkaroon naman ng kapanatagan si Jam.’’

Napangiti na lamang si Jose. At saka pinaalala ang planong pagdi-dinner sa hinaharap.

“Basta yung usapan natin ha? Seafood naman ang uuupa­kan natin.’’

“Sige mapilit ka e.’’

 

NAGKITA sina Marie at Jam isang araw. Sa isang pizza house sila nagkasundong magkita.

Gulat na gulat si Marie nang ma­kita ang kaibigan. Tingin niya bumata at gumanda ito. Malayung-malayo sa itsura noong wala pa itong trabaho.

“Ang ganda mo Jam!”

“Kahit di mo ako purihin, ako ang taya ngayon.’’

Nagkatawanan sila.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

GANUN

GULAT

ISANG

ITUTULOY

KAHIT

KAILANGAN

KAYA

MALAYO

OO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with