_ngayon
^

True Confessions

Black Widow (94)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, mag­la-lunch si Marie nang tumawag si Jose sa kanya.

‘‘Hello Marie, good news, may bakante sa aming company. Sabihin mo kay Jam na mag-apply bukas sa HR dept. Dalhin ang requirements.’’

“Salamat, Jose, sasabihin ko kay Jam.’’

“Sinusuwerte ang kaibigan mo dahil mabait ang supervisor sa department.’’

“Tiyak na matutuwa si Jam.’’

‘‘Hindi na siya talo sa suweldo kapag dito sa amin na-employ. Maraming benefits dito. Libre pa ang bigas at gatas.’’

“Sarap naman, Jose. Ako kaya ipasok mo rin diyan.’’

‘‘Hindi ka puwede rito, Marie.’’

“Bakit?’’

“Bawal ang maganda rito.’’

Napahagikgik si  Marie. Mapagbiro pala ang Jose na ito.

‘‘E di si Jam pala ay suwanget, he-he-he!’’

“Ikaw ang nagsabi n’yan hindi ako.’’

Napahagikgik uli si Marie. Tapos ay nagseryoso na.

“Baka may bakante pa d’yan Jose ipasok mo rin ako.’’

“Okey ka naman sa work mo di ba?’’

“Gusto ko iba naman.’’

“Sige hayaan mo at kahit bawal ang maganda rito ay ipapasok kita. Kung bakit kasi maganda ka, Marie.’’

“Puro ka biro Jose. Baka maniwala na ako.’’

“Sige maniwala ka.’’

Nagtawa si Marie. Nagtawa rin si Jose.

Natapos ang usapan.

KINABUKASAN, agad nagtungo si Marie sa tira­han ni Jam sa Dapitan at masayang ibinalita ang tungkol sa trabaho.

‘‘Mag-applay ka na raw Jam, sabi ni Jose. Sigurado ka na raw!”

Tuwang-tuwa si Jam.

(Itutuloy)

ACIRC ANG BAKIT BAWAL HELLO MARIE JAM JOSE MARIE NAGTAWA NAPAHAGIKGIK SIGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with