^

True Confessions

Sinsilyo (78)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BAHAGYANG napatawa si Gaude sa sinabi ni Lolo Kandoy na magsubi habang nagbibilang ng barya .

“Hindi ko kayang kumuha, Lolo. Nakokonsensiya ako.”

“Hindi naman ma­lalaman ‘yun ni Mau. Ang dami ng barya.’’

“Hindi ko kaya Lolo.’’

“Mabait ka kasi. Pero ang masyadong mabait e hindi rin ma­ganda. Medyo gumawa ka rin ng kaunting kalokohan. Mas okey naman yun kaysa sa ginagawa ni Kastilaloy. Matindi ang ginagawa ni Kastilaloy!”

Napamaang si Gaude.

“Ano po ang ginagawa ni Lolo Dune?”

“Binabawasan niya ng barya ang bawat lata na ibinibigay namin. Bawat lata, bago niya ibigay kay Mau ay dinadakutan niya. Isang dakot bawat lata. Malaki ang kamay ng Kastilaloy na iyon kaya marami siyang nadadakot.’’

Hindi makapaniwala si Gaude. Kung isang dakot bawat lata, marami nang ipon si Kastilaloy.

“Kaya huwag kang makonsensiya Gaude. Magsubi ka habang nagbibilang. Kailangang may mapakinabang ka habang nagpapakahirap sa pagbibilang. Kung si Kastilaloy na walang kahirap-hirap sa mga barya ay kumukuha, ikaw pa? Sundin mo ako. Para rin sa sarili mo yun.’’

Nag-isip si Gaude. Parang hindi niya kaya. Mabait si Tito Mau sa kanya kaya parang hindi niya kayang pagnakawan.

“Huwag ka nang mag-isip kung tama o mali ang sinabi ko. Basta magsubi ka. Bago kami manghina at tumigil sa pamamalimos ay gawin mo ang sinasabi ko. Malay mo bigla kaming magkasakit at mamatay nang sabay-sabay, saan ka kukuha? Wala namang trabaho si Mau. Kung may ipon siya, saan aabot yun? At paano kung mag-asawa siya? Tiyak na mauubos agad ang mga binibilang mo.’’

Patuloy na nag-isip si Gaude. May katwiran si Lolo Kandoy. Paano nga siya kapag hindi na makapagpalimos ang mga matatanda? Saan siya kukuha ng kakainin e wala ngang trabaho si Tito Mau? Kapag naubos ang mga barya, saan siya pupulutin. At balak na ngang mag-asawa si Tito Mau.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAWAT

KASTILALOY

LOLO

LOLO DUNE

LOLO KANDOY

MABAIT

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with