^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (197)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATARAY ang secreta-ry ni Dr. Paolo del Cruz. Parang mangangain ng tao. Paano kaya ang ginawang approach ni Aya para makausap ang papa niya? O baka naman gumawa ng ibang paraan si Aya. Ang alam niya, banas si Aya sa mga matataray.

Sinubukan niyang i-text si Aya. Mas safe kung text kaysa tatawagan niya. Sinabi niya sa text na narito na siya sa third floor ng hospital kung saan nagki-clinic ang papa niya.

Sumagot agad si Aya:

“Huwag ka nang pumasok sa clinic niya dahil mataray ang secretary. Nalimutan kong sabihin sa’yo. Hintay ka na lang sa lobby.’’

Sinabi ni Sam na nagtanong na siya sa mataray na secretary at dito siya sa lobby sa third floor naghihintay. Hindi pa dumara-ting ang kanyang papa na nagra-rounds daw.

Maya-maya, nag-ring ang phone niya. Si Aya. Hindi siguro ito masiyahan sa text kaya minabuting tawagan siya.

“Kanina  ka pa ba naghihintay diyan, Sam?” tanong ni Aya.

“Mga fifteen minutes na. Saan ka tumatawag, baka may makarinig sa iyo, Aya?”

“Narito ako sa labas. Tulog si Mama. Wala naman dito ang demonyo kaya okey lang na tawagan kita.’’

“Dito na ako naghintay sa lobby sa third floor. Nakatutok ako sa elevator. Ano nga bang itsura ng papa mo?”

“Guwapo siya. Matangkad at maganda ang built ng katawan. Matikas maglakad.”

“Nakasalamin?”

“Hindi!”

“May bigote?”

“Wala!”

“Kalbo?”

Napahagikgik si Aya.

“Hindi ‘no? Ang kapal ng buhok nun. Guwapo nga eh.’’

“E marami namang guwapong doctor dito.”

“Basta iba ang dating ng kaguwapuhan ni Papa. Maganda nga pala ang  mga mata niya.’’

“Puro maganda pala ang itsura ng papa mo.’’

Napahagikgik uli si Aya.

“Basta pag may nakita kang guwapo, ‘yun na ‘yun.”

“Sinong mas guwapo sa aming dalawa?’’

“Guwapo ka ng isang paligo, he-he!”

Maya-maya may natanaw na papalapit na doctor si Sam.

“Aya may papalapit na doctor, baka ito na ang papa mo.”

“Sige. Baka iyan na nga ‘yan. Bahala ka nang magsabi sa kanya ng lahat. Sabihin mo nawala ang phone ko.”

“Oo, sige.”

Natapos ang usapan nila. Papalapit na ang doctor. Ito na nga siguro. Guwapo at matikas kung lumakad.

(Itutuloy)

AYA

DR. PAOLO

GUWAPO

NAPAHAGIKGIK

NIYA

PAPA

SI AYA

SINABI

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with