Everybody sing, babalik sa ere!

Nagbabalik ang kauna-unahang community singing game show sa bansa na Everybody Sing para sa inaabangang ika-apat na season nito kasama ang Asia’s Unkabogable Superstar na si Vice Ganda ngayong Mayo 2 (Sabado) at Mayo 3 (Linggo) at mapapanood sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
Panibagong episodes na puno ng kulitan at kantahan ang aasahan ng mga manonood kasama ang mga masusuwerteng Songbayanan.
Mas magiging kaabang-abang pa ang bawat linggo dahil may makakasamang special guest co-host si Vice Ganda, bukod pa sa iba’t ibang celebrity guests at singers na hindi lang magdadala ng saya kundi tulong sa Songbayanan para sa tsansang makapag-uwi ng mas malalaking papremyo. Nagbabalik din ang resident band ng programa na Six Part Invention.
Bukod sa bagong episodes, mayroon ding bagong pakulo ang programa na mas magpapalaki sa mapapanalunan ng Songbayanan. Ito ang Singko Blanko, kung saan kailangang mahulaan ng celebrity guest at apat na represingtatives ang limang nawawalang lyrics ng kanta para sa tsansang manalo ng hanggang P200,000.
Nagbabalik din ang paboritong jackpot round ng viewers na Ultimate Everybody Guessing, kung saan kailangang mahulaan ng Songbayanan ang 10 kanta para manalo ng P1 million.
Ang bawat tamang kantang mahuhulaan ng 50 Songbayanan ay nagkakatumbas ng P20,000. Ang kabuuang pot money na kanilang malilikom ay kanilang paghahatiaan.
Mapapanood ang pagbabalik ng Everybody Sing ngayong Sabado (Mayo 2) at Linggo (Mayo 3), 8:30 p.m. sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
Patuloy naman ang normality sa operation nila sa kabila nang isyu sa pamilya Lopez, kay Piki Lopez.
Samantala, ibinasura ni Vice Ganda ang posibilidad na kumandidato siya sa 2028 dahil sa mga lumabas sa mga informal survey na lutang ang kanyang pangalan.
“Naku, nagpapagod lang sila!”
Aminado naman siyang nakatanggap siya ng mga alok na pumasok sa pulitika sa mga nakaraang taon ngunit palagi raw niya itong tinatanggihan.
Muli rin niyang iginiit ang kanyang suporta kay now Mayor Leni Robredo na sinuportahan niya rin noong nakaraang eleksyon.
“We’ll see kasi marami naman ang nagsabi na kung sila lang, hindi na sila tatakbo dahil sa clamor at kagustuhang magsilbi. The decision to run for president is not made solely for oneself. That’s why many people change their minds, because it’s not just about them.”
- Latest




















