Eugene, bumabawi

Panahon na naman ni Eugene Domingo ngayon. May important role siya sa Sisa with the comebacking Hilda Koronel. Tapos sa theater, may special featured role siya alongside Lea Salonga, at ngayong araw na ito, may bago pa siyang tinanggap na special role kasama ang isang singer na in fairness, may gift maging isang magaling na komedyante. Gets n’yo ba kung sino?
Patuloy Ang Pangarap nitong singer na ito at sasamahan pa siya ng isang aktor na nadadalas makasama sa mga kontrobersyal na pelikula, sana ito na ang assignment na magpapa-endear sa kanya sa masa (muli) kahit maraming kumokontra sa kanyang lovelife. Gets n’yo na kung sino siya? Sana!!!
Caretakers, makakatapat ng rom-com nila Dennis
Nagsimula na ang promo ng Caretakers nina Iza Calzado at Dimples Romana under Rein and Regal Entertainment. Maganda ang dating ng environmental horror film na ito ni Direk Shugo Praico at alagang-alaga sa set ang mga aktor at staff dito kaya ganado silang lahat, at kita ito sa kinalabasan ng pelikula.
May katapat itong pelikula, ang rom-com nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Sam Milby directed by Real Florido from CreaZion, GMA Films at ang produksyon nina Jen at Dennis. Ni-re-edit daw ang pelikula? Nagamot kaya ito? Malalaman natin sa showing ng dalawang local movies na ito sa Feb. 26.
Gerald, hindi pa rin nire-recognize ang husay sa Pinas
May musical ang kontrobersyal na singer na si Gerald Santos entitled HAPHOW at kasama sa pag-aayos niyan ang kanyang talent manager na si Rommel Ramillo, kasama ang CEO at COO ng City Dance Academy.
Ang tanong, with his international theater credentials like playing Thuy in the touring version of Miss Saigon, bakit hindi man lang na-consider ba si Gerald Santos sa mga play dito – lalo na ang napakalaking prestige project like Into The Woods with no less than Lea Salonga?
Bakit, parang hindi pa rin ganoon kakinang ang bituin ni Gerald? E hindi ba parang ginagawa na niya ang lahat?
Produ, may sariling short film na
Talaga? Hindi na lang basta cameo ang meron siya sa pelikula? May film at lead starrer na ang pamosong indie producer na ang birthday girl na si Baby Go? Short film nga lang (for now) entitled Madame!!!
Matutulad din kaya siya ng producer/ actress na si Rebecca Chuaunsu sa pelikulang Her Locket at naging Sinag Maynila Best Actress pa?
Nakakataquote:
“Our love story isn’t one of fairy tales and grand romantic gestures. It’s a story of real, raw, and junrelenting.”
– Yeng Constatino & Yan Asuncion on their renewal of vows on their 10th wedding anniversary
- Latest