Pag-tie ni Alfred kay Piolo, ‘di inaasahan!
Sobra naman na kung kelan nanalo as Best Actor sa FAMAS si Alfred Vargas saka naman ang init ng issue ng FAMAS.
‘Katawa na nalagay sa front page ‘yung nangyari kay Eva Darren na matagal nang wala sa news pero dahil sa naganap namutiktik ang writeups niya.
‘Kaloka talaga na dahil walang balita talagang fiesta ang sinasabing ‘pang-aapi’ sa isang veteran star na tulad ni Eva Darren.
Maganda pa naman sanang balita na maraming stars ang nag-attend ng FAMAS, pero heto nga at mukhang tatagal pa ang balita. Dahil siguro walang happenings lately kaya nasabik ang stars na magpunta sa Manila Hotel para makisaya sana sa awards night.
Imagine mo na nalasing si Piolo Pascual, bongga. Nanalo nga si Alfred Vargas, naging controversial naman dahil tie sila ni Piolo Pascual.
Buti na nga lang, talaga namang tanggap ng marami ang husay ni Alfred sa pag-arte at tanggap din ng mga kapwa niyang artista kaya hindi naging issue ‘yung pag-tie nila ni Piolo Pascual.
‘Complicated’
Naku dahil naiirita na ako sa catheter ko sa may dibdib, pinalipat ko na sa braso para makapag-dialysis ako. Pero one month pa pala bago maalis ang catheter at sa operating room pala ito dapat alisin, ‘kaloka.
Talagang complicated pala ang mga gagawin sa akin, hindi pala simple na alis o kabit. Kaya bago maalis ang catheter, one month pa kaya hirap pa rin akong maligo dahil iiwasan ko pa ring mabasa baka ma-infect.
Bakit kaya ako nagkasakit ng ganito?
Imagine mo ‘yung dialysis na twice a week, four hours per session. ‘Kaloka talaga.
Pero ok lang dahil nalalagpasan ko naman ang lahat.
Isang bagay na talagang ikinatutuwa ko nababayaran ko ang medical bills ko. At parang nakabantay naman ang guardian angels ko dahil ok naman ang pakiramdam ko sa dalawang taon na nagda-dialysis ako. Tinamaan lang ako ng pneumonia noong isang taon kaya na-confine ako ng 10 days sa hospital.
But aside from that, wala nang naging problema. So thankful sa mga biyaya na natatanggap ko at sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko. ‘Yung pagmamahal ng lahat ng tao na nasa paligid ko. Thank you talaga, my God, forever grateful.
- Latest