^

PSN Showbiz

Summer Fair sa QC, dinagsa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Summer Fair sa QC, dinagsa
Grand Kapamilya Summer Fair ng ABS-CBN News.
STAR/File

Sa kabila ng matin­ding init, dumagsa pa rin ang kababayan natin sa Quezon City Memorial Circle para mapakinabangan ang iba’t ibang serbisyo publiko na handog ng Grand Kapamilya Summer Fair ng ABS-CBN News.

Mahigit 1,000 katao ang naging bagong registered voters dahil sa paglahok ng Comelec (Commission on Elections) sa Grand Kapamilya Summer Fair.

Nakinabang din ang iba sa booths ng PhilHealth at SSS, kung saan natugunan ang ilan nilang mga katanungan tungkol sa kanilang membership status at personal data.

Marami rin ang nakatanggap ng libreng serbisyong medical at dental sa tulong ng Philippine College of Surgeons (PCS).

Bukod dito, itinampok din sa Summer Fair ang livelihood seminars, Zumba sessions, at libreng pagkain at face painting sa mga na dumalo sa event, habang may mga sumabak naman sa TV Patrol ‘reporter challenge’ booth.

Nagpasaya rin ang ilang Kapamilya stars tulad nina Vivoree, KD Estrada, Jason Dy, Marlo Mortel, at BGYO sa isang libreng mini concert sa Summer Fair.

Layunin ng Grand Kapamilya Summer Fair na ilapit ang mga serbisyo publiko sa mas marami. Ito rin ang unang onsite event ng ABS-CBN News pagkatapos ng pandemya.

Mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN News tulad ng Tao Po at My Puhunan sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC. Ganundin ang TV Patrol at TV Patrol Weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ALLTV, at iWantTFC at ANC sa iba’t ibang cable providers sa buong bansa.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with