^

PSN Showbiz

Dennis nakapila sa premyadong aktor!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Dennis nakapila sa premyadong aktor!
Dennis Trillo

Kung may Judy Ann Santos-Vilma Santos na kumbinasyon na umaasa para sa MMFF, meron din tayong naririnig na Jericho Rosales at Jennylyn Mercado na puwedeng magsama para sa isang pelikula.

Bakit hindi Jennylyn at Dennis - na may MMFF record na rin na  Rosario? Dahil totoo bang may GMA Films project na nakatoka kay Dennis kasama ang isa pang premyadong aktor na naghihintay lang ng script bago umoo?

Tingnan natin kung mapapa-oo ng GMA Films itong aktor na ito na kung nagkataon ay isa ring casting coup!

Exciting ang magiging Golden Year ng MMFF kung gayun!

Paolo, game sa Showtime

Ngayong nagpo-promote si Paolo Contis ng kanyang bagong pelikula na Fuschia Libre under MavX Films na showing na sa May 15. Ngayong nag -iikot na siya para sa promo guesting, ang tanong, makakapag guest kaya siya sa It’s Showtime if ever?

Vocal si Paolo na gusto niyang mag-guest sa Showtime, ang tanong gusto kaya siyang i-guest ng Showtime?

Live theater scene,buhay na buhay

May 2024 is Metro Manila Musical Festival month : Buruguduystunstugudunstuy, Rent, Bar Boys, One More Chance,   Miss Saigon. Tapos, June 2024 is Metro Manila Play Festival month : Virgin Labfest year 19, Grace, at marami pang iba.

Buhay na buhay ang live theater scene, bakit hindi kaya magkaganito sa pelikula?

Talagang live events na ngayon ang gusto at binibili ng tao - at streaming na lang ang pelikula? Kalungkot naman.

Pati concerts patok din talaga! Sold out na ang Gen C na 70th birthday celebration ni Ryan Cayabyab na all star cast. Sold out na rin ang second Videoke night ni Ice Seguerra sa Music Museum.

One last time ni Gary may panibagong repeat

Totoo ba ang pahaging ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na sold out na ang One Last Time sa MOA Arena repeat sa May 10? Kaya naka/line up na rin sila ng isa o dalawa pang repeat sa Araneta Coliseum sa July?

Grabe, buhay na buhay ang live concerts.

Sana sa pelikula rin!

Nakakata-quote:

‘Sino ang mas magmamalasakit kay Kim Chiu kundi ang kanyang kapatid?

‘Dahil sa mga nakaraan na niyang relasyon na hindi nagtagumpay, hindi pinakikialaman ni Kam kung nanliligaw o sina Kim na at Paulo Avelino na, ang kanyang ginagawa ay binabantayan ang kanyang kapatid.’ - Cristy Fermin

vuukle comment

ACTOR

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with