^

PSN Showbiz

JK, naaksidente sa stage!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
JK, naaksidente sa stage!
JK Labajo

Naaksidente ang singer-actor na si JK Labajo sa kanyang recent gig na ginanap sa Bataan.

Ibinahagi ng Ere singer ang litrato niya habang merong bandage ang paa niya at ginawa pa nga itong biro na nahulog daw talaga siya sa mga taga-Orani, na literal nga.

Aniya isa raw sa pinaka-energetic at pinakamagandang crowd na nakasama nila this year ang mga ito.

Hindi naman niya dinetalye ang nangyari sa kanya pero mukhang hindi naman seryoso ang kanyang aksidente at minor injury lamang.

Hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang mga medics na nagbigay agad sa kanya ng first aid.

Nag-alala ang kanyang mga tagahanga sa nangyari sa kanya pero lutang pa rin daw ang pagiging professional nito dahil tuloy pa rin kahit may iniinda.

Biro pa nga ng fans ay malikot daw kasi ito kaya hula nila ay nadapa ito.

Pero kahit ganon daw ay nagpasalamat ang mga taga-Orani sa kanya dahil nag-enjoy raw talaga sila sa ginawa ni JK. Kaya pinababalik nila ito sa kanilang lugar dahil solid daw talaga ang performance nito.Maaalalang ka­makailan nga ay nag-viral ang video niya na nag-aalala sa isang baby na kanyang nakita habang nagpe-perform siya kung saan pinahanapan niya ito ng proteksyon sa tenga nito dahil alam niyang sensitibo pa ang pandinig ng mga sanggol.

Kaya talagang mahal na mahal siya ng kanyang fans.

Samantala, mapapansin naman ang komento ng bagong karelasyon niya na si Dia Mate na representative ng Cavite sa Miss Universe Philippines. “Wawa ng bebe ko,” sey nito.

vuukle comment

JK LABAJO

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with