^

PSN Showbiz

Sem Break

Pilipino Star Ngayon
Sem Break

Tayong mga Pinoy, naniniwala tayo sa kasabihan na minsan kapag pumupunta tayo sa ibang lugar, may mga dumidikit sa’tin na hindi natin nakikita. Kaya nga lagi tayong pinagsasabihan ng mga kamag-anak natin ng “Mag-ingat ka, baka may SUMAMA sa’yo”.

Tunghayan natin ang kwento ng isang barkada at ang kanilang quick sem break trip na magbabago sa tako ng mga buhay nila.
Kasunod ng tagumpay ng ‘The Rain in España’ at ‘Safe Skies, Archer’, nagbabalik ang “Univerkada” na kinabibilangan nina Krissha Viaje, Jerome Ponce, Aubrey Caraan, Hyacinth Callado at Gab Lagman sa pinakabagong project na “Sem Break”, kasama si Keann Johnson bilang bagong kabarkada. Ang six-part series na ito ay mula sa direksyon ni Roni S. Benaid, ang director ng hit 2023 horror movies na; Mary Cherry Chua at Marita. Susundan natin ang isang barkada sa kanilang trip papunta sa kanilang travel destination.

Si Krissha Viaje ay gaganap bilang si “Mich”. Ang kanyang boyfriend na si Arlo, ginagampanan ni Jerome Ponce, ay ang designated driver ng barkada. Kung silang dalawa ay tintuturing na love birds, aso’t pusa naman itong sina Cora, ginagampanan ni Aubrey Caraan, at Timmy, ginagampanan ni Keann Johnson. Samantalang, kasama rin sa barkada si Hyacinth Callado bilang si Jessie, isang working student, at si Gab Lagman na gumaganap bilang Pipo, isang university scholar. Ang mga magulang ni Pipo ay caretaker ng isang beach house kaya naman io-offer ito ni Pipo para maging kaning travel destination.

Itong kanilang weekend getaway ay mauuwi pala sa wicked getaway.

Sa kabila ng paalala sa kanila na hindi pwedeng puntahan ang lighthouse na malapit sa beach house, pupunta pa rin ito ng barkada para gawin ang 3AM challenge. Mabuti at ligtas silang makakalabas sa lighthouse matapos silang maligaw sa loob nito. Pag-uusapan nila na hindi nila sasabihin kahit kanino ang mga naranasa nila sa parola.

Pagbalik ng Maynila, hindi nila alam na hindi na lang sila ang sakay ng kanilang sasakyan.
Samahan ang Univerkada sa kanilang nakakakilabot na adventure sa “Sem Break”. Palabas na sa Viva One simula May 10, 2024, fresh episode tuwing Byernes

vuukle comment

SEM BREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with