^

PSN Showbiz

Descendants... ni Dingdong nabitin, Aurora parang Jeju Island ang ganda!

Pilipino Star Ngayon
Descendants... ni Dingdong nabitin, Aurora parang Jeju Island ang ganda!
Dingdong Dantes at Mayor Sherwin Taay

Ahh sa Dingalan, Aurora pala nag-taping noon ang Descendants of the Sun ni Dingdong Dantes.

Sayang lang at bitin.

Five days lang daw ayon kay Mayor Sherwin Taay, ang cast and crew ng nasabing local adaptation ng sikat na Korean action drama na napanood sa GMA dahil nag-pandemic na kaya ‘di natuloy.

Ang ganda kasi talaga ng Dingalan Aurora. Para kang nasa Jeju Island sa Korea. Pero Batanes of the East ang impression ng iba.

May nagsasabi namang Siargao ang vibes.
Kaya pwedeng-pwede talagang pag-shootingan ng mga pelikula at teleserye.

Hindi pa namin na-explore ang buong lugar nang magkaroon ng outreach program doon ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) nitong nakaraang weekend sa isang community ng Dumagat, pero sobrang breathtaking ang mga napasyalan naming lugar.

Untouched pa at hindi pa kumbaga naabuso kaya ganun kaganda.

Isang wild / fun adventure rin ang experience namin sa 12-seater kuliglig para makarating sa Laktas and Abunga falls.

Ang kuliglig ang magdadala sa inyo sa waterfalls hopping na pulos ilog at bundok ang daraanan para marating mo ang iba’t ibang falls.

Ganundin ang Grotto na overlooking ang Dingalan Bay.

At ang maganda sa Dingalan, strict sila sa pangangalaga sa kapaligiran. Hindi pwede ang plastic, magkalat, magsunog, at hindi rin pwedeng kumuha ng corals.

Impressive rin ang project ni Mayor Sherwin na pagpapalit ng basura sa bigas.

Ito ‘yung maaari mong ipalit ng bigas ang mga naipon mong eco-brick bottle.

At pinupulot ng mga residente doon ang mga plastic na iniiwan ng ibang mga turista upang hindi na makarating sa dagat.

Last year, ayon kay Ms. Emily Mercado Grey, president ng Hotel and Resort Association of Dingalan, umabot na sa 1 million ang turista ng kanilang bayan.

Tuna ang kanilang ipinagmamalaking pagkain kaya super ang tuna sisig. Ganundin ang banana chips.

Anyway, going back to Descendants...

Saang area po sila nag-shooting?

“Dito po sa butas na bato, ‘yung beach area,” sabi ni Mayor Sherwin nang sandali naming nakausap. At nagkaroon pa raw siya ng special role noon. “Ako po si Destroyer, opo. Ano po kasi ‘yun, pre-pandemic po ‘yun. January or February sila dito then biglang March… Kaya ‘yung Descendants of the Sun, in-house shooting na lang po sila.”

Dati nang kasama ni Mayor Sherwin si Dingdong sa National Youth Commission. “Kasama ko po sya sa National Youth Commission. Ako po ay Executive Director doon. Chief Operating Officer po ako doon. Si Comm Dingdong ay Commissioner-at-large in National Youth Commission. So before running dito po, ako po ay nagwo-work sa National Youth Commission pero 30 years na po ako sa government. Dito po ako nag-start as an SK, then Councilor, board member.”

Kaya naging ninong pa ng isang anak niya ang actor.

Sana nga, imbes na sa ibang bansa mag-shooting ang ibang mga producer natin, pasyalan muna natin ang mga katulad ng Dingalan, Aurora.

Makakatulong pa sa local tourism.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with