Kim, mahilig mag-share
Totoo naman na very generous at giving si Kim Chiu. Napatunayan na ito ng malalapit niyang kaibigan at mga katrabaho.
Siguro naniniwala si Kim na dapat i-share ang blessings mo sa mga kasama mo para lalo ka pang suwertehin sa buhay.
Tingnan n’yo naman at kahit pa nga sino pa ang mga sumikat na bago matatag sa kinalalagyan niya si Kim. At lalo pa ngayon na nakita na puwede siya sa drama at puwedeng kumawala sa love team.
Marami pang darating na bagong projects na iba ang magiging katambal ni Kim, kaya naman inaabangan na ito ng followers niya.
Sana nga ay katulad ni Kim ang maraming artista na mahusay makisama at hindi plastic.
Enrique, pinag-usapan ang big bird…
Kaloka naman ‘yung Big Bird drama ni Enrique Gil sa pelikula niyang I Am Not Big Bird.
Pero at least ha, naging maingay dahil pinag-usapan at naging curious kay Enrique ang mga tao.
Talagang gusto ko tuloy itanong kay Liza Soberano kung talaga ngang gifted at totoo ba ang sinasabi nila na big bird.
Naku ha parang for adult only na itong column ko dahil kay Enrique Gil ha.
Dapat lagi tayong wholesome dahil magagalit ang readers ko, hah hah.
- Latest