'Yakap na mahigpit': Showbiz industry nagluksa sa hiwalayang KathNiel

Litrato nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
Mula sa Instagram ni Daniel Padilla

MANILA, Philippines — Nagpahiwatig ng kanya-kanya nilang saloobin ang mga celebrities sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Huwebes nang kumpirmahin ni Kath sa Instagram ang balitang hiwalayan matapos ang 11 taong relasyon, bagay na sinundan naman ng tugon ni DJ sa isyu.

"I think the most painful part is realising a person was just meant to pass through one’s life. Never to stay, never to stay," wika ng aktres na si Bella Padilla sa X kagabi.

"[F]or us who watched them grow up together, acceptance and kindness in everything we say or do."

Dama naman daw ng radio personality ang bawat salita sa pasabog ni Kathryn kagabi at nakiusap sa publikong bigyan ng space ang dalawa sa gitna ng pinagdaraanan.

Una nang sinabi ni Bernardo na hindi na siya sasagot sa anumang katanungan matapos ang mahaba niyang paglalahad kagabi.

Hindi rin naiwasan ni Vice Ganda, kilalang family friend ni Padilla, tungkol sa usapin: "God bless the broken hearts. #kathniel."

"Yakap na mahigpit," reply pa ni Vice sa IG post ni Kath."

"Tita Baby is sad. ???? Pero ganon talaga," sabi naman ni John Lapuz, na kilalang gumanap bilang "Tita Baby" sa 2013 movie nina KathNiel na "Must Be... Love."

Maging ang chocolate brand na KitKat, tila may pasaring na rin sa kontrobersyal na breakup.

 

 

Matatandaang lumabas ang balitang pag-unfollow diumano ng mga kaibigan ng KathNiel kina Daniel at Andrea Brillantes dahil sa tsismis ng pagtataksil diumano sa relasyon. Itinanggi nina Robi Domingo at Cathy Garcia-Molina na ginawa nila ito.

Wala pa ring pahayag si Andrea sa kanyang social media tungkol sa isyu hanggang ngayon.

Show comments