^

PSN Showbiz

Daniel Padilla sa breakup kay Kathryn: 'I hope we grow, heal'

James Relativo - Philstar.com
Daniel Padilla sa breakup kay Kathryn: 'I hope we grow, heal'
Litrato nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
Mula sa Instagram account ni Daniel Padilla

MANILA, Philippines (Updated 7:49 p.m.) — Binasag ni Daniel Padilla ang kanyang katahimikan matapos aminin ng aktres na si Kathryn Bernardo ang hiwalayan sa long-term boyfriend. Nangyari ito ilang araw matapos lumutang ang ugong-ugong na pagtataksil.

Ito ang inilahad ni "DJ" matapos ang pasabog na pahayag ni Kath ngayong Huwebes sa isang paskil sa Instagram.

"11 years... Pagibig... Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows," sambit ng aktor.

"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide... I pray for us to grow, and heal."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

Una nang sinabi ni Kathryn kanina na hindi niya sasagutim ang anumang katanungan patungkol sa hiwalayan at umaasang makauusad din mula sa pinagdaraanan.

Nagpasalamat naman si Daniel sa kanilang mga tagasuporta, ito habang idinidiing pamilya at kaibigan na ang turing niya sa kanila.

"Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan," dagdag pa ni DJ.

"Bal, ang pagmamahal ko sa'yo ay walang hanggang at walang katapusan."

Kamakailan lang nang itanggi ni Karla Estrada, ina ni Padilla, na kinumpirma niya ang hiwalayang KathNiel.

Matatandaang lumabas ang balitang pag-unfollow diumano ng mga kaibigan ng dalawa kay Daniel at Andrea Brillantes dahil sa tsismis ng pagtataksil diumano sa relasyon. Itinanggi nina Robi Domingo at Cathy Garcia-Molina na ginawa nila ito.

vuukle comment

BREAKUP

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with