^

PSN Showbiz

CassRen, nine years in the making sa pelikula

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
CassRen, nine years in the making sa pelikula
Darren at Cassy

MANILA, Philippines — Matapos ang siyam na taon, mapapanood na sa pelikula ang CassRen – Cassy Legaspi at Darren Espanto sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry na When I Met You In Tokyo.

Nabigyan nga ng pambihirang pagkakataon sina Cassy at Darren na makatrabaho ang dalawang movie icons, sina Vilma Santos at Christopher de Leon na bida sa isang love story ng dalawang Pilipinong nagtatrabaho sa Japan. At ang pelikulang When I Met You in Tokyo ay patunay na walang kinikilalang edad o estado sa buhay ang pag-ibig. “Grabe nine years in the making!,” reaksyon ni Cassy sabay tingin kay Darren nang pag-usapan ang tyaga ng kanilang fans na andyan sa umpisa ng kanilang tambalan.

Paliwanag naman ni Darren, “Second movie ko pa lang po ito after the Hows of Us so, of course, mas may experience na ako in terms of acting.”

Pagpapatuloy niya pa, “Parang hindi naman ako nag-prepare masyado kasi ‘to naman si Cassy kasama ko. I was very comfortable playing the part.”

Bukod pa sa napanood na rin si Darren ng musical series ng ABS-CBN na Lyric and Beat.

Ikinuwento naman ni Cassy na inaral niyang mabuti ang script nang at pinag-usapan nila ni Darren ang tamang pag-atake sa kanilang mga karakter na sina Hannah at Jomar. “Everything was so smooth-sailing kasi nga we’re already good friends,” pagsiguro ng Eat Bulaga! host.

Dahil sa laging pagbanggit sa usaping “friendship” sa tuwing CassRen ang pag-uusapan, hindi napigilang maitanong ang dalawa tungkol sa relationship status nila sa totoong buhay. “Siyempre, it’s something that, you know, it’s not just friends, it’s in between,” mabilis na sagot ni Darren.

Tinulungan din ni Cassy si Darren sa pagsagot: “Paano ba i-e-explain ‘yun? Siguro what you see is what you get. We’re very genuine with each other. If we look like we’re close, totoo namang close talaga kami.”

Aminado si Cassy na maganda ang impression kay Darren ng kanyang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. “My parents see that he’s very nice and he’s a gentleman. They know I’m in good hands naman especially when I’m with Darren,” pagbahagi niya.

Ganundin ang mga magulang ni Darren. “Tiwala sila kay Cass. ‘Pag si Cass ‘yung kasama ko, hindi sila nagtatanong ‘Anong oras ka uuwi?’ or ‘Saan ka pupunta?’

Nanlalaki ang mga matang sumang-ayon si Cassy, “Same! Same!”

Sa sobrang closeness ay magkasamang nagbakasyon sina Cassy at Darren sa Japan noong Pebrero. Pero present ang kanilang mga ina.

Anyway, may mahalagang payo ang Star for All Seasons na si Ate Vi sa magka-loveteam noong nakaraang presscon ng pelikula “Kapag sineryoso n’yo ‘yan kasi, ang ganda ng chemistry ninyong dalawa. You just have to hone it, you know, the acting, the experiences, the movies.”

Aggressive sa pagpo-promote ng pelikula sina Ate Vi and Boyet, at ganundin ang CassRen.

vuukle comment

CASSY LEGASPI

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with