^

PSN Showbiz

Golden days nina Vi at Nora, ‘di makakalimutan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Golden days nina Vi at Nora, �di makakalimutan!
Vilma Santos

Sweet naman nina Vilma Santos at Nora Aunor na batiin ako sa 76th birthday ko.

Para tuloy nag-journey ako sa memory lane. Talagang naisip ko mga throwback days na napupuyat ako sa pagsama sa taping at shooting nina Nora at Vilma.

Those were the golden days na unforgettable para sa mga taga-showbiz.

Talagang hindi na siguro mababalik pa ang mga araw na iyon.

So happy na hanggang ngayon mainit pa rin ang career ni Ate Vi. So happy na balik showbiz at mukhang magi­ging very active na uli si Ate Guy.

Sana nga maging mainit at very busy pa uli ang showbiz. More than anything, sayang naman ang talent ng mga artista kung wala silang gagawin.

At remember, saan kukuha ng entertaintment ang tao kung wala ang showbiz.

Cong. Toby, laging may oras sa mga kaibigan

Talagang touching ‘yung blowout ni Cong. Toby Tiangco samantalang meron siyang session sa Congress that day, pero nagbigay siya ng oras para sa intimate lunch namin.

Ever since, very friendly at matulungin si Cong. Toby   at considered siyang friend talaga ng showbiz writers. Tuwang-tuwa sina Pat-P, Tet, Faye, Gorgy at Benjie Paras dahil game na game si Papa Toby sa mga biruan at talagang feel mo ang sincerity at sweetness niya.

Suwerte talaga ang Navotas sa isang leader na tulad ni Cong. Toby na talagang focus sa work at mahal na mahal ang kanyang nasasakupan. Talagang nakikita ko na darating ang oras na mas tataas pa ang posisyon ni Papa Toby dahil sa mahusay niyang trabaho sa Congress.

Iba talaga ang dedication niya, at isa siyang mabuting tao kaya lahat ng kaibigan niya, treasured friend siya para sa mga ito.

Bongga ka talaga, Cong. Toby, isa kang precious gem para sa amin.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with