^

PSN Showbiz

Erik, hinihintay ng nanay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erik, hinihintay ng nanay
Erik Santos
STAR/File

Bago matapos ang 2022 ay pumanaw ang ina ni Erik Santos. Nasa Amerika ang singer noon dahil sa trabaho dalawang linggo bago namatay ang ina. “Noong two weeks na nag-struggle talaga si Nanay nasa abroad ako. We were doing ‘Trilogy’ with Christian (Bautista) and Morissette (Amon). Every day hindi ako nakakatulog nang maayos. Sabi ko lang sa Panginoon, ‘Lord, konti na lang, gusto ko lang maabutan ang nanay ko. Gusto ko lang siya makausap ng heart-to-heart. Gusto ko lang sabihin lahat ng gusto kong sabihin.’ Kasi no’ng time na umalis ako ay hug lang ang kaya niyang ibigay. Kasi hindi na siya makapagsalita. Sabi ko, ‘Lord, ‘yon lang ang kahilingan ko, ‘yung nanay ko kung mamamatay man siya, kung kukunin Mo siya, kunin Mo siya nang kaharap ako,’” emosyonal na kwento ni Erik.

Pakiramdam ng singer ay hinintay lamang daw siya ng inang makabalik mula sa ibang bansa bago pa itong tuluyang bawian ng buhay noong Nobyembre. Nang muling magkasama ay alam umano ni Erik na magpapaalam na ang ina. “Napakabait ng Panginoon kasi talagang kung ano ang dasal ko eksakto ‘yon ‘yung nangyari. Hinintay talaga ako ni Nanay. ‘Yung two weeks na ‘yon may mga times talaga na sinasabi sa akin ng mga nagbabantay bumababa ‘yung oxygen niya to 17. ‘Yung heartbeat bumababa ng 15 then biglang tataas, mai-stable. Nagtataka rin ang mga doktor. Tapos hahanapin ako, ‘Nasaan na ba si Erik? Kailan ba siya uuwi?’ So, I really felt na she was really waiting for me,” dagdag pa ng singer.

Para kay Erik ay kailangang iparamdam natin ang pagmamahal at pag-aalaga sa ating mga mahal sa buhay habang kasama pa ang mga ito. “Ako personally wala po akong regrets, kasi I know, alam ni Nanay na ginawa naming ang lahat para ma-save siya, lahat kami,” pagtatapos ng singer.

Toni Fowler, muntik malaglag sa Quiapo

May bulung-bulungan na tinanggal na diumano si Toni Fowler sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Hindi na raw kasi halos napapanood ang content creator sa serye ngayon. May kinalaman nga ba ito sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Toni ukol sa kanyang inilabas na MPL music video kamakailan? “Hindi po ako natanggal sa Batang Quiapo. Alam n’yo ang daming nag-iisyu na natanggal daw po ako. Kesyo hindi na po ako napapanood,” paglilinaw ni Toni.

Ang buong akala ng content creator ay talagang matatanggal na siya sa nangungunang serye ng ABS-CBN. Mainit na pinag-usapan ang music video ni Toni dahil sa diumano’y paglabag nito sa pamantayan ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board. “Sa totoo lang in-expect ko talaga na after ng MPL ay matatanggal ako. Kumbaga bahala na pero hindi naman po ako natanggal dahil hindi naman po ako sa TV kumanta. So malayung-malayo po, nasa ibang platform po ako which is doon sa restricted adults only at alam n’yo naman ang TV ay hindi po para sa content ko na gano’n,” giit niya. — Reports from JCC

vuukle comment

ERIK SANTOS

TONI FOWLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with