^

PSN Showbiz

Mga programa ng alltv babu muna, lumang pelikula muna ang ipalalabas!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ia-assess daw muna ang tatlong programang prinodyus para sa AllTV.

Kaya pansamantalang magpapaalam muna ito ngayon.

Ang tinutukoy naming programa ay ang Wowowin ni Willie Revillame, ang M.O.M.S. nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto, at ang Toni ni Toni Gonzaga.

Nilinaw naman sa amin ng taga-All TV na artista pa rin daw nila sa AllTV dahil pagkatapos na mapag-aralan ang tatlong shows, maaring ibalik din sila, o i-reformat.

Marami pang considerations, kagaya ng signal sa ibang lugar, dahil hindi nga naman puwedeng gastos lang nang gastos.

Sa ngayon ay old films muna ang mapapanood sa AllTV, na marami pa rin ang nanood dito.

Abangan na lang ang mga susunod pang magaganap sa AllTV pagkatapos i-assess ang mga programang prinodyus para sa naturang istasyon.

Unbreak…, umpisa na

Nagsisimula nang mag-empake ang buong team ng drama series na Unbreak My Heart patungong Switzerland.

May ibang production staff na nakalipad na sa naturang bansa para ayusin pa ang mga logistics doon. Ngayong buwan na rin daw aalis ang buong cast para simulan na ang taping.

So far, ang latest pa lang nabalitaan namin, sa GMA 7 lang daw ito mapapanood. Wala pa silang sinasabi kung mapapanood din ba sa Kapamilya network.

May ilan pang Kapuso stars na kabilang sa Unbreak My Heart.

Malalaman ito sa kanilang laun­ching.

Fast talk, maraming pa-scoop!

Ang programang Fast Talk with Boy Abunda, ang inaabangan na ngayon para makakuha ng latest na kaganapan sa showbiz.

Si Pokwang ang isinalang nung nakaraang Biyernes na nasa pangawalang linggo na. Maganda ang rating ng bawat episode.

Mataas ang kay Dina Bonnevie naka-7.5 percent. May Alex Gonzaga kasi sa interview kaya ang daming tumutok.

Kahit ‘yung kina Sofia Pablo at Allen Ansay nung Miyerkules ay naka-6.4 percent, at sumunod ang kay Sunshine Cruz na naka-6.9 percent.

Pasabog din ang interview ni Kuya Boy kay Pokwang nung Biyernes, kaya ang dami nang pumik-ap para sa isulat.

Heto na nga ang narinig namin.

Nag-e-emote na raw ang taga-showbiz ng GMA News and Public Affairs, dahil dati ay hindi sila pinapayagang tanungin ng mga maiinit na isyu ng ilang Kapuso stars. Ngayon ay nagagawa na ito ni Kuya Boy, at pini-pick up na lang nila.

Sabi naman ni Kuya Boy nung tinanong namin ito sa kanya sa presscon ng Fast Talk With Boy Abunda, magkaiba naman daw ang storytelling ng 24 Oras at ng FTWBA.

Bilang nasa Startalk ako noon, hindi naiiwasang nagkaka-conflict dahil may ibang istorya na dapat ay nasa 24 Oras muna bago sa Startalk.

Iba naman ngayon, dahil nga sa pamamayagpag ng social media.

“Nung panahon natin, napakahalaga talaga ng scoop. Napakahalaga. Nagkaroon pa ng ng show noon na Scoop ‘di ba?,” pakli ni Kuya Boy nung nakaraang presscon ng Fast Talk With Boy Abunda.

“I think the more important thing… 24 Oras. Iya is my talent, I manage her.  I think we will be complementing each other. 24 Oras has a style of telling the story. We will have our own way of telling the story.

“I think, the whole challenge now is how we will be telling the story. This is a story telling business. So, papano namin… halimbawa ang tools na gagamitin namin ay Fast Talk o ‘di kaya ay The Interviewer.

“24 Oras is presented… it’s a docu, it’s a VTR driven. I supposed to my interview which is a one-on-one. So, dun pa lamang malaki na ang pagkakaiba.

“So, I think we will be able to complement. Kung ano ang hindi nagagawa ng 24 Oras, siguro ay gagawin ko. Kung ano ang ‘di ko magagawa ay gagawin ng 24 Oras,” sabi pa ni Kuya Boy.

Ayaw nang magpaka-stress ngayon ni Kuya Boy.

vuukle comment

ALLTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with