^

PSN Showbiz

Toni, sinagot ang P500 milyong na tf sa ALLTV

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Toni, sinagot ang P500 milyong na tf sa ALLTV
Toni
STAR/ File

Maraming sinagot na issue si Toni Gonzaga kahapon nang humarap siya sa entertainment media.

Katulad ng usap-usapang tumanggap siya ng P500 million para mapanood sa bagong bukas na Channel 2, ang ALLTV, kaya’t iniwan niya ang ABS-CBN.

Pag-aari ang network ng bilyonaryong negosyante na si former senator Manny Villar.

“If I would compare it to the previous offers that I got, hindi mo maiisip na I accepted it because the offer is this much, ganyan,” pahayag ni Toni sa kanyang solo presscon bilang promo nga sa reali-talk show niyang Toni sa AllTV.

“It’s because I like the challenge, I like to be a part of something new, I like to be a part of something that’s building, growing and I wanna grow also and build with them because I know I will learn a lot from this expe­rience.”

Sinabi rin niyang may communication sila ni Mr. Carlo Katigbak, CEO ng ABS-CBN, kaya’t walang bad blood kumbaga.

Nagkaroon aniya ng maayos na pag-uusap sa pagitan nila. Bagama’t very internal at hindi niya puwedeng i-share sa lahat kaya walang samaan ng loob tulad sa mga kumalat. “Wala nang ganu’n. I choose to move forward and instead of magkaroon ng sama ng loob, ma­ging grateful na lang tayo kasi lahat naman ng nangyayari sa buhay natin is a preparation kung ano’ng susunod na gagawin mo sa next chapter.

“So, mas grateful ako sa mga nangyari in the past. Siguro, ‘yun ‘yung aking state ng puso. I’m grateful that everything happened, how it happened and why it happened because it has led me where I am today,” sagot ng tinatawag na unbothered queen dahil kahit patuloy siyang iniintriga, dedma lang si Toni at hindi nagpapaapekto.

Nabanggit din niya na hindi lang naman ang ALLTV ang nag-offer sa kanya nang matapos ang contract niya sa Kapamilya noong 2020. “May offers na 2020 pa lang, not just from one channel but also the other channel, wala pang AllTV no’n. I remember there were 2 channels that may mga offers.”

Hindi lang daw siya handa noon sa sinasabi niyang pagbabago sa kanyang buhay.“Hindi ko pa nararamdaman sa heart ko nu’ng time na ‘yun na parang I’m ready to take that leap of faith. Parang sabi ko, hintay muna or chill lang, stay still. Hindi kasi ako mabilis magdesisyon, pinag-iisipan ko.”

Hanggang sinabi ng kanyang mister na si Paul Soriano na may bagong network na magbubukas at gusto siyang kunin. “I consulted my mom (Pinty Gonzaga), we talked about it, and then, we weighed in.”

Bakit ALLTV ang pinili niya?

“Laging sinasabi ni Paul na ‘when you make a decision, choose the one that scares you because that’s the one where you will grow.’ Kasi du’n sa tatlo, parang pinaka-nakakatakot na desisyon ito,” pahayag pa ng TV host.

Anyway, kasalukuyan napapanood ang reali-talk show niyang Toni sa AllTV daily every 5 p.m.

Pahayag ni Toni ang Toni ay masasabi niyang dream come true lalo na nga at co-producer sila ng programa.

Sa sarili niyang studio siya nagti-taping at maraming siyang katrabaho na galing sa ABS-CBN. “I’m so grateful kasi ang tagal ko nang in-aspire ito, finally I have my own studio for my own show,” banggit pa ni Toni.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with