^

PSN Showbiz

Daniel Matsunaga, model ang bagong jowa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Daniel Matsunaga, model ang bagong jowa!
Daniel at Julia

Dyowa reveal ang nasagap namin sa nakaraang big event ng 20th anniversary celebration ng Macbeth apparel and footwear na ginanap sa Metrotent Convention Center nung nakaraang Sabado.

Nagulat kami nang namataan namin doon si Daniel Matsunaga na nagkukuha ng video sa fashion show ng Macbeth.

Current girlfriend pala niya ang isa sa female models na si Julia.

Isa ring Brazilian si Julia, at nagpaka-supportive boyfriend lang doon si Daniel.

Na-enjoy daw niya lalo na’t halos lahat na mga kilalang banda ay nandun para mag-perform.

Si Julia ang isa sa rumampang suot ang bagong collections na Lady Macbeth at Macbeth underwear.

Namataan din namin doon ang bagong magsyotang DJ na si Rico Robles at Phoebe Walker.

Two months pa lang ang kanilang relasyon at nakakatuwa ang suportahan nila sa isa’t isa.

Sabi ni Rico; “Ngayon, sumasama siya sa trip ko, sumasama ako sa trip niya, kaya sabi ko napapamahal ako sa kanya. Very supportive siya e.”

Ikinatuwa naman ito ni Phoebe, dahil suportado at naiintindihan ni Rico ang pagiging artista niya.

“Iyun kasi ang problema ko sa dati e. Hindi talaga tanggap yung work ko, kasi alam n’yo naman po na nagdaan din ako sa sexy e,” sabi naman ni Phoebe.

“Eh kung magaling ka naman sa sexy, galingan mo!” bulalas ni Rico.

May mga pelikulang ginagawa ngayong si Phoebe sa Viva Films at alam niyang suportado ito ni Rico.

Nag-enjoy din ang magkasintahan sa mga bandang nagtugtog doon sa Macbeth 20th anniversary show.

Ilan sa finale na nag-perform ay si Rico Blanco, Chelsea Alley, at ilan pa sa pinagkaguluhan ay ang mga bandang Written By the Stars, Mayonnaise, Chocolate Factory, Sandwich, at Macbeth All Stars.

Sapawan sa finale ng isang event, kanya-kanyang paliwanag

Kaagad na nag-react ang ilang taong involved sa nakaraang event na kung saan nagkaroon ng isyu ang pagsasabay ni male star at female star na magkatapat ang show.

Nagkaintrigahan sa kung sino ang finale, na ang unang nakara­ting na kuwento sa amin ay nag-demand daw si female star na siya ang ilalagay sa finale, kahit ang mas pinagkaguluhan at gustong panoorin ng mga tao ay si male star.

Kinontra ng kampo ni female star ang balitang ito.

Ayon sa kanila, talagang ni-request daw na finale raw si female star, dahil siya raw ang pinapanood ng Mayor ng lugar na pinagtanghalan.

Pareho raw sila ng call time, at wala raw ganung drama na nagpa-late si female star.

Nilinaw din ito ng kanilang organizer, dahil mismong ang kampo raw ni male star ang nag-request na mauna na siya dahil kailangan din niyang makabalik agad ng Maynila.

Maaga raw ang calltime kinabukasan at may kasunod pang mall show. Kaya maglalagare pa si male star.

Luke, nagpasalamat sa Lolong

Nagtataka raw sila bakit naging isyu pa ito.Na-appreciate ng da­ting Hashtag member na si Luke Conde ang pag-aalaga sa kanyang career ng Sparkle.

Hindi pa naman siya nabigyan ng show na siya ang bida, pero hindi siya nawawalan ng trabaho.

Maraming siyang mga guesting sa GMA shows, at ang latest nga ay na-enjoy niya ang special participation niya sa Lolong.

Thankful siya sa Sparkle dahil nakuha nila ang endorsement sa Hanford briefs.

Challenge din sa kanya na nakahilera niya ang mga bigating artistang dating nag-endorse ng naturang undergarment kagaya nina Cesar Montano, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Mikael Daez at marami pa.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with