^

PSN Showbiz

Mark, commercial building ang ipinagawa sa Cagayan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mark, commercial building ang ipinagawa sa Cagayan!
Mark
STAR/ File

Sa Cagayan de Oro pala ‘yung pinatayong vacation house ni Mark Bautista.

Ang ganda at ang laki ng nasabing bahay. Pero hindi lang pala ito basta vacation house ayon kay Mark.

“It’s in CDO. Parang vacation house ko pero commercial buil­ding,” sagot ni Mark nang tanungin ko via chat.

“Mukhang matutupad na ang pa-convenience store ni mama at cafe ni brother. Soon Praise God!,” dagdag naman ni Mark sa kanyang post.

At since umpisa­han ang pagpapagawa nito, every two months ay umuuwi siya sa CDO.

Napapanood siya ngayon sa All Out Sundays sa GMA.

Pero may plan na movie with Viva, and a new album, ang versatile singer para na rin sa celebration ng 20th anniversary niya sa showbiz next year.

Kumusta naman ang lovelife niya : “Haha. I’m single. Not dating since the pandemic ,” aniya.

Nauna nang nabanggit sa interview ni Mark na maingat na siya ngayon sa pagpili ng partner.

Aniya, tinitingnan niya ‘yung mas compatible sa kanya.

Suportado ng showbiz ang inilabas na libro ni Mark noong 2018 kung saan inamin niya ang kanyang pagiging bisexual kasama ang ilang detalye ng kanyang hindi malilimutang bahagi ng kanyang buhay.

Anyway, ang da­ming natuwa for Mark sa pasilip sa kanyang dream vacation house.

“Galing bro!! Inspiring!! Congratulations!!:),” comment ni Rocco Nacino.

Ayon naman kay Jona : “Congrats Mark !!! Super happy for u and fam !! .”

“Nice one Mark, ganda!!! Congratulations!!!,” ang comment naman ng singer na si Maricris Garcia.

Almost 20 years ago nang unang sumabak si Mark sa Star for a Night, kung saan nanalo siya bilang first runner-up sa grand winner nitong si Sarah Geronimo. Mula noon ay nakilala na siyang mahusay na singer. Pero marami na rin siyang nagawang mga pelikula noon kasama si Sarah G.

Kris Bernal, shopping ‘til you drop’ sa Europe

Bongga si Kris Bernal, shopping until you drop ang peg sa Europe habang nasa honeymoon sila ng asa­wang si Perry Choi.

Parang tinalbugan niya ang ibang cele­brity na mahilig din sa luxury items.

Shopping kung shopping.

Kilalang mahilig sa luxury items ang actress kahit nung dalaga pa siya na pinapakita niya sa kanyang YouTube channel. Hanggang Hermes meron siyang collection.

Suwerte rin siya dahil mapera ang asawang chef kaya talagang super sightseeing at shopping siya. Though parang simple ang mayaman niyang asawa dahil may photo itong Ikea bam bag ang gamit.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with