^

PSN Showbiz

Lasing na nagmamaneho?! Diether, nakabangga!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lasing na nagmamaneho?! Diether, nakabangga!

Naaksidente ang aktor na si Diether Ocam­po kahapon ng bandang 12:40 ng madaling araw sa may service road ng Osmeña Highway, Brgy. Pio del Pilar, Makati.

Ayon sa mga napagtanungan ko na nakasaksi sa aksidente, lasing daw si Diether na nagmamaneho ng kanyang SUV Ford Explorer.

Mabilis daw nitong pinapatakbo ang kanyang SUV nang bigla niyang nabangga ang trak ng basura sa may service road ng Osmeña Highway.

Maaaring hindi raw nito napansin ang nakaparang garbage truck kahit naka-hazard naman ito sa kalye.

Tinanong ko ang reporter ng DZRH na si Noche Cacas at nakapanayam daw nila ang Bantay Bayan ng Brgy. Pio del Pilar na si Joel Alicante.

Mabilis nga raw ang pagtakbo nito at nabigla raw ang mga basu­rero habang abala sa pangunguha ng basura, nang biglang may bumangga sa bandang likuran ng naturang garbage truck.

Sa lakas ng pagkabangga, nasugatan ang noo ni Diether at ang paa nito.

Kaagad naman daw nakapagresponde ang Philippine National Red Cross at pinagtulungan nilang hugutin ang aktor sa kanyang sasakyan.

Nang isinakay daw sa ambulansya, nagpupumiglas na raw si Diether na parang ayaw magpadala sa hospital. Isinugod na raw ito sa Makati Medical Center.

Mabuti at may isang kasamahan daw nito na kaagad na nakara­ting sa pinangyarihan ng aksidente, kaya nasamahan ito sa hospital. Dinala na raw sa Traffic office ang sasakyan ni Diether at isinama na rin ang driver ng garbage truck na si Lauro Banaga para sa follow-up investigation.

Sinubukan naming kontakin ang handler ni Diether sa ALV Talent Management ni Arnold Vegafria para kumustahin ang kalagayan ng aktor. Pero matagal na pala siyang hindi na mina-manage ng ALV.

As of presstime, wala pa ka­ming na-follow up na update kay Diether, pero curious lang kami kung may haharapin ba siyang kaso sa Traffic dahil sa kinumpirma naman ng Bantay Bayan na si Alicante na lasing itong nagmamaneho ng kanyang kotse.

Partylist group, binuo ang Pasada Babes

Nakita na naming nagsisimula nang maglabasan ang political advertisements ng mga pulitiko. At ilan sa mga kilalang artista ay nag-e-endorse na ng partylist.

Sunud-sunod na ang ads sa TV, at mukhang dito na napupunta ang kanilang campaign funds.

Pero iba naman ang ginawa ng isa pang bagong partylist, ang Pasada 126 na kung saan ay may binuo naman silang sing and dance na grupo ng mga kababaihan, at tinawag na nilang Pasada Babes.

Pinangunahan ang grupong ito ni MC Shante, at binuo ito ng mga kaibigan niyang sina Shyn, Tey, Ja, Mary, Shyn at Kim.

Meron silang single na pinamagatang Papa Pasada na tumatalakay sa mga hirap na pinag­daanan ng commuters at transport workers.

Ginagamit ito sa kanilang social media account para ma-promote na rin ang naturang partylist.

Hindi pa ganun kakilala ang naturang grupo, kaya humihingi sila ng tulong ng media para lalo silang mapalakas.

Nakipag-collaborate sila sa Pasada 126 sa pamumuno ng first nominee nitong si Dom Chad Hernandez.

Si Hernandez ang Secretary General ng grupo ng National Commuters of Filipino Coalition na binuo nila nung taong 2013.

Dapat ay sasali na sila nung 2019 elections, pero hindi pa ito ganun kahanda hanggang sa nabuo na nila ito ngayon, na nagri-represent sa commuters at problema ng transportasyon.

Mabigat ang problema sa transportasyon at araw-araw na pinagdadaanan ng ating commuters. Pero magaan ang approach sa taumbayan kung idaan nila sa social media gamit ang grupong Pasada Babes na matindi ang hataw sa pagsasayaw at pagkanta.

Ani Hernandez; “Ang Pasada Babes po, alam naman po natin na medyo nagbabago na ang media landscape. Social media, Facebook, TikTok. Ang Pasada Babes ang paraan natin para maitawid ‘yung message na kung gaano kaseryoso ang problema sa transportasyon at commuters na mas madaling ma-absorb ng mga kabataan at ng mga taong nasa bahay lang dahil sa lockdown.

“So, ‘yung Pasada Babes po, ‘yun po ang way para ma-communicate through dance, ang talent nila, through entertainment content po dun sa mga taong nasa bahay lang.”

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with