^

PSN Showbiz

Kim, bumalik ang self confidence sa Showtime

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, bumalik ang self confidence sa Showtime
Kim
STAR/ File

Malaki ang naitulong kay Kim Chiu ng kanyang pagkakabilang sa It’s Showtime dahil sa mga pinag­daanang pagsubok sa buhay na dulot ng pandemya. Matatandaang napasama ang aktres sa mga host ng naturang noontime show mahigit isang taon na ang nakalilipas. “Binago po ako ng pandemic. Nakatulong din ang Showtime. Sobrang laking tulong po na itayo ko ‘yung sarili ko kasi ‘yon po araw-araw, Mondays to Saturdays. Wala kaming script doon, meron man pero konti lang. Parang binibigyan ka nila ng tiwala na, ‘Sige, bahala ka kung ano gusto mo.’ So ako, unti-unti kong nage-gain ‘yung confidence ko simula no’ng pumasok ako sa Showtime,” makahulugang pahayag ni Kim.

Hindi na bago sa dalaga ang pagkakaroon ng bashers sa social media. Kahit marami ang masaya sa lahat ng ginagawa ni Kim sa It’s Showtime ay talagang mayroon pa rin namang ilan na nagbabato ng mga negatibong komento tungkol sa aktres. “Tanggap naman pala ako ng tao kahit na ganito ako. Bakit kapag tinatago ko ‘yung sarili ko, ang dami nilang sinasabi? Pero ngayon na hinarap ko na kung sino ako, meron naman ayaw pero maraming masaya at ‘yon ang mahalaga. Parang be yourself, bahala na sila kung ayaw nila. Kasi ako as a person, meron din naman akong ayaw. So gano’n talaga ‘yung tao, may ayaw, may gusto. Pero ito ako, enjoy kasi ako sa ginagawa ko kaya tuloy lang ang buhay,” pagbabahagi ng aktres.

Itinuturing ni Kim na mayroon ding magandang naidulot sa kanya ang pandemya. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa lahat ng kanyang mga ginagawa. “Ang magandang epekto ng pandemic ay hindi ako nagpapadala sa sinasabi ng ibang tao dahil masaya ako. Masaya ‘yung disposisyon ko sa buhay. Nagpapasalamat ako pero ‘pag may sinasabi silang mga bagay na below the belt na, wala na ako diyan. Nase-segregate ko na ngayon, nahahati ko na ‘yung mga bagay o mga salita na pinapabasa ko sa sarili ko at ang mga hindi. Pero at the end of the day I’m very grateful sa kanila, basher man ‘yan o fan. Masaya ako na nandiyan sila at sinusuportahan nila ako,” pagtatapos ng dalaga.

Wilbert, hindi pa kayang mag-frontal nudity

Sumabak na sa pagpapaseksi si Wilbert Ross. Ang aktor ang katambal ni AJ Raval sa pelikulang Crush Kong Curly na napapanood sa Vivamax. Pinaghandaan umano ng dating Hashtags member ang kanyang bed scenes na ngayon lamang din niya nagawa sa isang proyekto. “Actually pini-prepare ko ‘yung katawan ko ngayon for another project. Thank God meron akong bagong project. Kung sa Cursh Kong Curly ito ‘yung simula na may bed scene ako, do’n sa kabilang project merong dalawa. Nire-ready ko ‘yung sarili ko kung ano ang pwede ko magawa kasi trabaho lang naman ito and I want to entertain people as much as possible,” paglalahad ni Wilbert.

Kahit naghubad na sa naturang pelikula ay hindi pa naman daw nakikita ng aktor ang sarili na gagawa rin ng frontal nudity sa mga proyekto. “Masyadong mabilis ang pangyayari sa mga ganyang bagay. Ngayon nire-ready ko ang sarili ko. If ever na kailangan ni direk ng mga gano’ng material, iisipin ko din ulit. Being a sexy actor, feeling ko hindi naman gano’n talaga ‘yung way ko. Parang papunta naman ako sa rom-com part. Kasi may sikat na sexy actors ngayon na ‘yon ang way nila. I’m building my own path so as much as possible kung ano ang kailangan ng director ko para mas mapaganda ‘yung movie, kung kaya ko naman, gagawin ko. I’m not closing any doors naman sa mga possibilities na ganyan,” paliwanag ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with