_ngayon
^

PSN Showbiz

John Lloyd maraming binitbit na Kapamilya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd maraming binitbit na Kapamilya!
John Lloyd
STAR/ File

Nagsimula nang mag-taping si John Lloyd Cruz ng sitcom niya sa GMA 7 na Happy To Get Her.

Nai-post nga ni Carmi Martin sa kanyang Instagram account ang eksenang kasama niya sina John Lloyd at Miles Ocampo.

At karamihan sa mga kasamahan ni Lloydie ay taga-ABS-CBN na first time din nilang umapir sa GMA 7. Pero may ilan ding taga-GMA 7.

Nabanggit nga sa amin ni Ashley Rivera sa nakaraang virtual mediacon ng 25th anniversary ng Bubble Gang na kasama rin daw siya rito sa sitcom ni John Lloyd.

Nakapag-photo shoot na raw sila at malapit na rin daw silang magsimula.

Kagaya ng ginagawa ni Ashley sa Bubble Gang, may pa-sexy rin daw siya rito sa sitcom ni John Lloyd. “As usual comedy pa rin na pa-sexy kasi tingin ko dun naman talaga ako nakikilala ng mga tao, and I’m okay with it kasi confident naman ako,” pakli ng Kapuso sexy comedienne.

Si Direk Bobot Mortiz ang direktor nitong Happy To Get Her.

Sitcom pa lang ang commitment ni John Lloyd sa GMA 7, pero sinasabi naman niya na looking forward daw siyang makagawa pa ng isang project kasama si Bea Alonzo.

Kinukulit na nga raw sila ni Ma’am Anette Gozon-Valdez na gumawa na sila ng pelikula.

Sexy actress na nag-uumpisa pa lang, biglang nabuntis

Nakakapanghinayang itong nangyari sa isang baguhang sexy actress dahil nabigyan na siya ng magandang break sa isang digital movie, pero hindi na ito nasundan.

Napag-alamang nasa interesting stage itong si baguhang sexy actress kaya wala pang plano sa ngayon ang isang production outfit na bigyan ng kasunod na pelikula.

Naisip sana ng isang direktor na kunin siyang bida sa susunod na pelikulang gagawin niya para sa isang streaming app, pero sinasabi raw ng manager niyang hindi ito puwede.

Iyun pala nagdadalangtao na itong si baguhang sexy actress kaya hindi muna siya lumalabas.

Wala lang kaming ideya kung sino ang nakabuntis sa kanya, pero baka naman choice na niya ito at gusto naman niyang magka-baby.

Sana mabigyan siya uli ng chance na makabalik sa pag-aartista pagkatapos niyang manganak.

Pamilya ni Direk Bert dasal at pinansyal ang nire-request

Nagluksa ang entertainment industry sa pagpanaw ni direk Bert de Leon, si Lamberto de Leon sa tunay na buhay.

Halos lahat naman na taga-showbiz ay may koneksyon kay direk Bert kaya talagang malaking kakulangan siya sa industriya.

Kahapon lamang nagsimula ang burol para kay direk Bert, sa chapel 1 ng The Heritage Parks Chapel sa Taguig.

Hanggang sa Huwebes ang burol na nagbubukas ng alas-tres ng hapon hanggang alas-onse ng gabi.

Magkakaroon ng necrological service para kay direk Bert sa Biyernes, November 26 ng alas-onse ng umaga.

Gusto lang ipaalala sa  lahat na makiramay na pina-practice pa rin ang health protocols.

Gusto ring iparating ng pamilya na sa halip na magpadala ng bulaklak, mas mabuting panalangin ang ibigay at pinansyal na tulong.

Puwedeng i-deposito sa bank account ni Michael Lambert de Leon sa BPI Savings Account  9609 0252 44.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with