^

PSN Showbiz

'Hindi ako kabit': AJ Raval nag-sorry kay Kylie Padilla sa pag-share ng banat ni Aljur

James Relativo - Philstar.com
'Hindi ako kabit': AJ Raval nag-sorry kay Kylie Padilla sa pag-share ng banat ni Aljur
Aktres na si AJ Raval (kaliwa), Kylie Padilla (gitna) at Aljur Abrenica (kanan)
Viva Films/Released; Phistar.com / Erwin Cagadas Jr., file

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad ang sexy aktres na si AJ Raval sa kapwa artista na si Kylie Padilla matapos niyang ibahagi sa social media ang pahayag na nag-aakusa sa huli ng pangangaliwa sa asawa.

Ika-19 kasi ng Oktubre nang basagin ng aktor na si Aljur Abrenica ang kanyang katahimikan pagdating sa "cheating" na unang ginawa raw ni Kylie sa kanya. Sumabog ang pahayag online, bagay na ibinahagi naman ni AJ — na siyang nililigawan ngayon ni Aljur.

"I'm really sorry sa lahat ng naapektuhan. And also kay Kylie, I'm really sorry kung shinare ko 'yung statement na 'yun," wika ni AJ sa kanyang TikTok account nitong Miyerkules.

"It's not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself. Kaya lang, mali 'yung way ko."

 

@ajravsss

 

? original sound  - Aj Raval

 

Una nang nanindigan si AJ, na anak ng action star na si Jeric Raval, na hindi siya ang naging dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie.

Aniya, hindi siya naging third party sa kanilang mag-asawa at wala siyang ginagawang masama.

"People are accusing me sa bagay na hindi ko naman ginawa. Tinatawag nila akong kabit, tinatawag nila akong home wrecker, which is hindi naman totoo," dagdag pa ni Raval msa TikTok vid.

"Wala akong sinirang pamilya, never akong naninira ng pamilya. Pati family ko nadadamay ko, 'yung parents ko."

Tanggap naman daw ni AJ na maaring naging "immature" siya sa sitwasyon at kailangang mag-grow at pilit humihingi ng pagpapasensya.

'Sabihin mo sinong unang nagloko'

Matatandaang sinabi ni Aljur na panahon na upang aminin ni Kylie kung sinong unang nagloko sa kanila, na siyang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

"Breaking silence.. Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain," banggit ng aktor.

"Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves (sic) to know."

 

 

Si Kylie ay kilalang anak ng action star na si Robin Padilla. Matatandaang si Robin ang nagkumpirma na hiwalay na sina Aljur at Kylie, na sinabing "third party" ang dahilan.

Agad namang nagpaskil ng tila patama na linya si Kylie sa kanyang Instagram story matapos ang post ni Aljur sa Facebook.

"Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistakes," banggit ng aktres.

vuukle comment

AJ RAVAL

ALJUR ABRENICA

KYLIE PADILLA

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with