^

PSN Showbiz

KMJS may tribute para kay Mahal

Pilipino Star Ngayon

Tuloy ang kuwentuhan sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong Linggo (Sept. 5, 8:25 p.m. sa GMA 7). Babalikan ng KMJS ang makulay na buhay ng komedyanteng si Mahal sa mata ng mga nagmamahal sa kanya.

Matapos namang mapanood nitong nakaraang Linggo sa KMJS ang batang naligaw noong 1989, isang ina mula Malabon ang lumantad na nagsasabing siya raw ang ina ni Alvin.

Samantala, pabiro namang hirit ng ilan, dapat ay magpa-DNA test para malaman kung kaanu-ano ba talaga ni Ms. Jessica Soho ang nag-viral na kamukha raw niyang Koreana. Talaga namang usong-uso ang celebrity look-alike! Sino rin ba ang ka-lookalike ni Camille Trinidad ng tambalang JaMill at ang viral couple ngayon na Whamonette?

BTS: Global takeover at the rise of K-Pop mapapanood ng fans sa Pilipinas

Isang malaking K-pop party ang mangyayari sa iWantTFC dahil ipapalabas nito ang mga dokumentaryong The Rise of K-pop at BTS: Global Takeover sa Pilipinas simula SA Setyembre 17, 10AM.

Bumili na ng ticket ngayon sa presyong P499 para back-to-back na mapapanood ang dalawang docu sa iWantTFC app o website (iwanttfc.com).

Sisiyasatin ng The Rise of K-Pop ang pagsikat ng Korean pop music at mga elemento nitong tinatangkilik ng milyon-milyong fans gaya ng nakaka-LSS na mga kanta, pinong choreography, at enggrandeng music videos na siyang ikinasikat ng iba’t ibang idol groups gaya ng BTS, Blackpink, iKON, EXO, VIXX, NCT, at G-idle.

Mae-enjoy naman ng mga Pinoy ARMY ang BTS: Global Takeover, kung saan sisilipin ang pinagmulan ng grupo at ang mga kabiguang hinarap nila bago makilala sa labas ng South Korea.

Ngayon, BTS na ang maituturing na pinakamalaking boyband sa buong mundo.

Batang anak ng husband ni Ara Mina, nag-positive sa COVID-19

Healing and prayers ang message ng followers ng movie producer na si Rina Navarro matapos niyang i-upload na tested positive ang anak niya sa COVID-19. Familiar si Ms. Rina sa showbiz dahil ex siya ng husband ni Ara Mina. “May I request for prayers for my son. He tested positive of COVID today. So far, he has no symptoms. Please send him love & words of healing everyday for 14 days. I will forever be grateful. The Lord bless you all.. THEO my son, I love you with all my heart, you are safe because God loves you.”

Ang husband ni Ara na si Dave M. Almarinez na isang businessman and government official ang ama ng nasabing anak ni Ms. Rina na dati ring board member ng Cinema Evaluation Board.

vuukle comment

KMJS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with