^

PSN Showbiz

Charlie, handa na sa daring role

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Charlie, handa na sa daring role
Charlie
STAR/ File

Handang tumanggap ng daring role si Fan Girl Charlie Dizon.

Katuwiran niya, actress siya. Pero depende pa rin daw sa material.

Natural ang sexiness ni Charlie kaya walang effort if ever na gagawin niya ‘yun.

Pero bago ang lahat, buong tapang muna niyang haharapin ang lahat – maging ang kamatayan – para sa inaasam niyang pag-ibig sa iWantTFC original series na My Sunset Girl, na mapapanood sa buong mundo ngayong Hulyo 14.

Mapapanood sa serye si Charlie bilang si Ciara, isang masayahing dalagang gustong matupad ang mga pangarap niya sa buhay sa kabila ng kanyang malubhang sakit. Ipinanganak siyang may xeroderma pigmentosum, isang kondisyong maaaring pumatay sa kanya kapag naarawan siya nang matagal. Dahil dito, pinagbabawalang lumabas ng bahay si Ciara at puro sa internet lamang siya nakakahanap ng mga kaibigan.

Dahil hindi pwedeng maglakwatsa, kuntento na si Ciara sa “paglalakbay” sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng travel vlogs na pinapanood niya.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, iisa lamang ang gustong maranasan ni Ciara – ang magmahal at ang mahalin.

Magbabago ang buhay ni Ciara sa pagdating ni Lucas (Jameson Blake), isang travel enthusiast na makakagaanan niya ng loob dahil sa rami ng pagkakatulad nila sa isa’t isa. Magkakamabutihan ang dalawa at mangangako si Lucas na tutuparin niya ang lahat ng pangarap ni Ciara sa bucket list nito.

Ngunit bukod sa sakit ni Ciara, magsisilbing hadlang sa pagkikita nilang dalawa ang istriktong ina ni Ciara na si Melissa (Mylene Dizon), na pagbabawalan siyang makipagkita kay Lucas. Aabot din sa puntong susugurin ni Melissa si Lucas at pagsasabihan itong layuan ang anak.

Ang hindi naman alam ni Ciara, planado ni Lucas at ng tatay nitong si Elias (Joem Bascon) ang pagpapaibig at panloloko sa dalaga – mula sa pagkakakilala nilang dalawa online hanggang sa una nilang pagkikita sa personal.

Ito ang unang lead role ni Charlie pagkatapos ng Fan Girl,  na nagbigay sa kanya ng Best Actress award sa Metro Manila Film Festival at Entertainment Editors’ Choice (Eddys).

Mapapanood na ang My Sunset Girl sa Hulyo 14, 8 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.

vuukle comment

FAN GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with