_ngayon
^

PSN Showbiz

Arjo, handa na sa bagong career

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Arjo, handa na sa bagong career
Arjo
STAR/ File

Mukhang ready na talagang sumabak sa pulitika si Arjo Atayde. Madalas ko nang marinig ‘yung pagpunta niya para tumulong sa District 1 kung saan siya lalaban diumano bilang congressman ayon sa mga balita.

Very articulate, very sharp naman si Arjo at buong puso ang suporta ng tatay na si Art Atayde at ina na si Sylvia Sanchez kaya palagay ko buo na rin ang loob nito para sa pagsabak sa bagong career, ang politics. We need young men para sa pagbabago ng paligid. Mga tulad nina Arjo Atayde at PM Vargas na puno ng energy ang mga dapat nating isulong para makita natin what young people can do.

Bongga lalo dahil balita ko, ‘pag nanalo si Arjo Atayde, balak na nito to get married para may katulong siya sa kanyang bagong tatahakin. Si Maine Mendoza na kaya ang future lady of service ng District 1? Bongga ‘di ba, dahil city of stars ang Quezon City, talagang dapat mapuno ng stars ang city hall, at ang pinaka-bright star, si Mayor Joy Belmonte.

Hay naku, parang excited na ako sa darating na election. May the best one win, para lalo pang bongga ang mahal kong Quezon City, Protektodo basta QC, o ‘di ba naman, Salve at Gorgy.

Mga taping apektado pa rin ‘pag may naghahawahan

Nakakatuwa na para na ring may sign of normalcy ‘yung nakikita mo na tao na kumakain ngayon sa mga resto, pumapasok sa parlor at naglalakad sa kalye. Para bang unti-unting nagbabalik sa dati kahit pa nga nandiyan na naman ang takot sa Delta variant.

Nakakainis man ‘yung sobrang higpit na health protocols, ok na rin dahil nga heto para na rin alis-takot na ang marami dahil lumalabas na. Kaya nga sana ganun na rin ang mangyari sa mga taping. Iyon bang makaisip na ng paraan na hindi nahihinto dahil sa may tinamaang isa o dalawa sa production. Puwede namang magpahinga ‘yung tinamaan, mas maging maingat ‘yung maiiwang magtrabaho. Kung hindi naman positive, tuloy lang, at huwag huminto sa taping. Kung isa sa cast ang nag-positive, palitan, at bigyan na lang ng ibang trabaho ‘pag gumaling. Kung staff, palitan din at magpagaling muna.

Pero bakit ihihinto ang production lalo na ‘pag nag-umpisa na, eh madali lang naman ang solusyon. ‘Pag negative, trabaho, ‘pag positive, pahinga muna. Hindi ‘yung lahat affected. Lahat mawawalan ng trabaho. Hayan, unti-unti nang naaalis ang takot, alangan naman kasing huminto ang lahat dahil sa banta ng COVID-19. Iwasan, maging maingat, pero ituloy ang buhay. Unfair na lahat affected, dapat may nagtutuloy ng trabaho.

Naku, sayang nawawala na ang dapat kikitain dahil lang sa takot noh! Fighting! Fight hanggang ending!

ARJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with