_ngayon
^
Yam engaged na!
Yam at Miguel
STAR/ File

Yam engaged na!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

Engaged na si Yam Concepcion sa long time boyfriend niyang si Miguel Cuunjieng. Nag-propose sa kanya ito last December 2018 pa nang magbakasyon sila sa Niseko, Japan.

Ito ang ishinare ng Init Sa Magdamag actress kahapon sa kanyang social media accounts. “A thousand cranes YES  @mrcuu 12.31.18 11:59pm #747,” sabi nito sa post niya.

Sa New York na nag-celebrate ng birthday ang Kapamilya actress kung saan naka-base si Miguel.

Obviously ay magtatagal sa New York si Yam na ayon sa kanya ay “Work in progress… slowly building our home” ang apartment nila sa Manhattan. Doon na nag-celeb­rate ng birthday last May si Yam.

Sinasabi ngang suwerte sa lovelife ang actress dahil kilalang sustainability consul­tant ng mga international financial player sa Amerika ang mapapangasawa. Graduate ng Philosophy in Environmental Studies at Santa Clara University, may Master of Business Administration din ito sa Georgetown University in Washington, DC.

At higit sa lahat, isa ito sa tatlong anak ng top investment banker at chairman ng Evercore Asia Limited na si Mr. Stephen Cuunjieng base sa profile ng kanilang family.

Nauna nang sinabi ni Yam sa interview na ready na siya to settle down.

MIGUEL YAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with