^

PSN Showbiz

Love Square bibida sa Magpakailanman!

Pilipino Star Ngayon

Kapwa nasa isang magulong relasyon sina Jon at Anne. Si Jon ay mayroong ng kinakasama – ang mas bata at kasosyo niya sa negos­yong si Kim na madalas ding pagkamalan na kanya lang ginagatasan. Si Anne naman ay nakatali sa isang tomboy ­– si Roxy.

Pero sa una pa lamang nilang pagkikita ay hindi na matago ang malakas na koneksyon at pagti­ngin sa isa’t isa. Sinubukang i-chat ni Jon si Anne pero hindi siya sinasagot nito. Pagkatapos lamang ng limang taon nang pagbigyan ni Anne si Jon na magkita sila.

Ngunit noong matutuklasan ni Jon na si Anne ay may karelasyon na at isang tomboy pala. At nais ng mga ito na gawin siyang ‘sperm donor’ sa binabalak na pagbubuntis ni Anne sa pamamagitan ng “in-vitro.” Gulat sa nalaman, nilayuan na ni Jon si Anne.

Ginawa ni Jon ang lahat para maayos muli ang relasyon nila ni Kim, pero noon naman niya natuklasan na may ibang lalaki ito kaya hiniwalayan na ni Jon nang tuluyan si Kim.

Muling nagkrus ang landas nila Jon at Anne. At doon nakita ni Jon ang hindi magandang pagtrato ni Roxy kay Anne. Sinimulang ipakita ni Jon kay Anne and tamang pagtrato ng isang lalaki sa isang babae. Mula noon ay naging malapit na ang dalawa. Pero muling sinuyo ni Roxy si Anne. At sa huli, ang matagal na relasyon kay Roxy ang pinili ni Anne.

Muling nasaktan, pinili na lang ni Jon ang mangibang bansa. Sa kanyang pagkawala, naramdaman ni Anne na may pitak na pala sa kanyang puso si Jon. Lalong lumala ang away nila ni Roxy hanggang magdesisyon siyang hiwalayan na rin ito at mangibang bansa na rin.

Makalipas ang isang taon, nagdesisyon sila na umuwi na ng Pilipinas at magpakasal. Pero mas mala­king hadlang pala ang naghihintay sa kanila. Sa kanilang pagdating ay muli na naman silang guguluhin ng pinagsanib na puwersa na nina Kim at Roxy.

Kung paano muling ipaglalaban nina Jon at Anne ang kanilang masalimuot na pag-iibigan ang tampok na kuwento ng Magpakailanman na pinamagatang  Love Square. Ito ay kinatatampukan nina Dion Ignacio bilang Jon, Maxine Medina bilang Anne, Arny Ross bilang Roxy, at Yvette Sanchez bilang Kim.

vuukle comment

ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with