^

PSN Showbiz

Jimuel, pinaghahandaan ang unang pag-arte

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jimuel, pinaghahandaan ang unang pag-arte
Jimuel
STAR/ File

Seth umaming napapakain at nakakabayad ng bills sa kita sa social media!

Mapapanood na ang bagong anthology series nina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes tungkol sa responsableng paggamit ng social media na Click, Like, Share ngayong Hunyo 5 sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.

Ihahatid ng Click, Like, Share ang apat na kwento ng mga teenager na nakadepende ang buhay sa social media at ang malulupit na kahihinatnan ng paggamit nito sa maling paraan.

Sa unang episode na Reroute, magiging impyerno ang buhay ni Brennan (Kyle) dahil mai-in love sa kanya ang kinakaadikan niyang app. Sa Cancelled naman, malalagay sa panganib ang buhay ni Karen (Francine) nang magkatotoo ang pinapangarap niyang perpektong buhay at kasikatan sa social media.

Mapapanood naman si Seth bilang si Cocoy sa Trending, kung saan sisikat siya dahil sa pag-iimbento ng isang viral video.

Dadaan naman sa mga pagsubok si Beth (Andrea) sa Poser dahil sa panloloko niya sa isang lalaki gamit ang face filter ng isang app.

So paano nga ba silang nakaka-relate sa CLS?

“Mas conscious ako pag nagshe-share ng posts. Kailangan kasi mas aware ngayon, especially sa mga artista kailangan mag-ingat sa mga site na pinupuntahan kasi baka ma-hack,” banggit ni Andrea sa #CLSMediaCon the other day.

Ginagampanan ni Andrea ang character ni Beth sa Poser : “She struggles with an eating disorder kaya may issues siya with her image. Feeling niya she’s not beautiful enough kaya gumamit siya ng app para gumawa ng fake na tao.”

Si Francine naman ay may payo sa mga gumagamit ng social media, na e-enjoy lang ang kanilang journey. “Masaya kami na nagbunga ‘yung hardwork namin. Sa vlogs, mas marami na kami kaya mas masaya kasi bago ‘yung mga nakikita namin. Yung payo ko sa kanila, i-enjoy lang nila yung journey,” aniya pa #CLSMediaCon

And if ever na may gustong i-tackle si Francine sa isang episode : “Gusto kong magbigay awareness tungkol sa body shaming. Gusto kong ipakita na hindi tama na mag-body shame kasi hindi okay na ikaw ang magiging reason na mawalan ng confidence ang isang tao.”

Aminado naman si Seth na napapakain niya ang kanyang pamilya dahil sa social media. “Napakain ko pamilya ko and nakakabayad kami ng bills. ‘Yun na yung best na nangyari sa amin dahil sa social media.”

Si Kyle naman ay naniniwalang dapat maging wise sa paggamit ng internet.  “The internet is a beautiful thing because it connects us to friends and family. But we can’t let it control our lives, we have to use it wisely.”

Almost two years nang magkakasama ang Gold Squad, at kasama ang grupo nila sa malalakas na Kapamilya personalities sa social media.

First project naman ni Jimuel Pacquiao ang #ClickLikeShare : “This was my first acting job so it was very new to me. I really wanted to prepare and do my best for this.”

Available na ang season pass para mapanood ang apat na episodes at bonus features sa KTX.ph (P299), iWantTFC (P299 sa Pilipinas o US$5.99 sa labas ng Pilipinas), o TFC IPTV (US$5.99). Makakasama rin sa fan meet para sa bawat episode kapag nanood sa KTX.ph.

Aside from Jimuel, kasama rin sa CLS ang The Squad Plus members na sina Danica Ontengco, Renshi de Guzman at Nio Tria sa kanilang acting debut. Mula ito sa direksyon ni Emmanuel Q. Palo.

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with