^

PSN Showbiz

Jhong, masayang-masaya na mas piniling mag-alaga ng anak

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jhong, masayang-masaya na mas piniling mag-alaga ng anak
Jhong at Baby Sarina
STAR/ File

Kamakailan ay nagpasyang iwan muna ni Jhong Hilario ang telebisyon nang magkaroon ng anak. Ngayon ay masayang-masaya ang aktor bilang isang gnap na ama kay Sarina. “Ito, walang tulog pero masaya. Sob­rang nakakatuwa na meron na kong baby,” bungad ni Jhong.

Ayon sa TV host ay talagang nakaramdam siya ng takot noong kapapanganak pa lamang ng asawang si Maia Azores. “Kailangan ko lakasan ‘yung loob ko kasi wala namang gagawa no’n. Siyempre si Maia bagong opera rin, CS siya eh. So hindi pa rin masyadong makagalaw. Kailangan ako kasi wala rin naman ka­ming kasambahay,” kwento niya.

Ngayong nasa bahay lamang ay talagang gina­gampanan ni Jhong ang pagiging ama sa sanggol. “Unang-una ‘yung pagpapaaraw. Kailangan kong gumising ng 6:30 ng umaga para mapaarawan si Sarina. Tapos ‘yung pagligo, ako nagpapaligo sa kanya. Siyempre palitan din kami (ni Maia) sa palitan ng diapers at pagpapalit ng damit,” dagdag pa ng aktor.

Tinaguriang Sample King si Jhong sa It’s Showtime dahil sa pagpapamalas nito ng galing sa pagsasayaw. Posible kayang sumunod sa mga yapak ng aktor si Sarina at tawaging Sample Princess balang araw? “Hindi naman ako papayag na talagang hindi siya matutong magsayaw. Sabi ko nga, siguro it’s time na ‘yung talent ko ipasa ko naman sa kanya,” giit ni Jhong.

Tony, natutong rumespeto

Kahapon ay nagtapos na ang teleseryeng Bagong Umaga kung saan kabilang si Tony Labrusca.

Ayon sa aktor ay talagang marami siyang natutunan mula sa natu­rang programa sa loob ng ilang buwan. “There was so many lessons learned in this specific project. I just learned so much about what it’s like to survive. I learned so much on set. I’m really blessed to be working with such amazing human beings like the prod and our bosses. Everyone has just been so amazing. They took really good care of us so it’s been an eye-opener. So many life lessons learned. It’s been a blessing to work during such an interesting time,” makahulugang pahayag ni Tony.

Para sa aktor ay isang malaking pamilya na ang na­ging turingan ng kanilang buong grupo dahil sa ipinatupad na lock-in taping. “We all got to know each other really well and it’s different kasi ‘pag taping normally parang you go to work the next day off mo. Dito you’re with each other every single day. Even day off mo, you’re still with these people becoming your family. I just learned so much about how it’s so complex being a human. We all have feelings. I really learned a lot about how to respect one another, how everybody’s feelings are valid,” paglalahad ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

TV HOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with