^

PSN Showbiz

Young actress na binibira sa hindi pag-ayuda sa pamilya, nanahimik lang sa mga naibigay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sinusumbatan ng kampo ng kanyang kadugo ang isang magandang young female personality. Wala raw siyang utang na loob.

Nu’ng walang-wala raw ang kanilang pamilya ay napakalaki ng naitulong sa kanila ng babaeng personalidad na ni hindi na niya pinapansin ngayon.

Sinuwerte lang daw ang young female persona­lity na sumikat at yumaman ay yumabang na. Hindi raw siya marunong tumanaw ng utang na loob.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng kasikatan kasi ng kadugo niyang female persona­lity, e, ‘yun naman ang time na kapos na kapos ang family nila.

“Walang gaanong pinagkakakitaan ang parents niya, marami pa silang magkakapatid, kaya kailangan talaga nila ng tulong. ‘Yun naman ang golden days ng career ng relative niya,” paunang kuwento ng aming impormante.

Umikot ang gulong ng buhay. Ang nasa itaas ay napailalim, dinagsa ito nang sangkatutak na problemang personal, hanggang sa napabayaan na nito ang kanyang career.

Patuloy ng aming source, “’Yun naman ang time na nag-aartista na ang young female personality. Sinuwerte siya, nabigyan siya ng magagandang projects ng network niya, malakas ang dating sa publiko ng loveteam nila ng isang young actor na magaling umarte.

“Bumenta siya nang husto sa mga ahensiya, napakarami niyang endorsements, lahat na lang yata ng products, e, siya ang nag-e-endorse. Pamatay na lang ng kuto at bulate ang hindi pa niya naigagawa ng TVC.

“Baligtad na ang sitwasyon. Yumaman ang young female personality, habang wala namang pinagkakakitaan ang aktres na puro plano, puro plano, pero wala namang natutuloy na trabaho!

“Binibira nila ‘yung young actress, pero wala silang ginagawang research. Sobra-sobra na ang naitutulong niya, hindi lang niya ipinagmamakai­ngay, tahimik lang siya.

“Bakit nahinto ang pagtulong niya? Natural, ikaw ba naman ang away-awayin at sira-siraan pati ang family mo, gaganahan ka pa bang umayuda sa ganu’ng klase ng tao?

“Mabait ang young actress, hindi siya maramot, marunong siyang tumanaw ng utang na loob! Magtrabaho na kasi ang female personality para hindi siya umaasa lang ng tulong ng mga kapamilya niya!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Istorya ng fan girl naiiba, kahit murahan nang murahan sina paulo at Charlie

Sinasabi na nga ba namin! Sinisimulan pa lang naming tutukan ang pelikulang Fan Girl na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Charlie Dizon ay nangangamoy-parangal na ang kanilang pagganap.

Marahas ang kuwento, pero mas marahas ang pagganap ng mga bumibida, hindi gasgas ang ikot ng istorya ng Fan Girl.

Tinutumbok nito ang hanggang langit na pagdambana ng tagahanga sa kanyang iniidolo. Ipinakikipaglaban niya ang kanyang idolo, ipakikipagpatayan kung kailangan, dahil madalas na sarado ang mga mata at utak ng mga tagahanga sa mga maling ginagawa ng kanilang idolo.

At ‘yun mismo ang napatunayan ni Charlie, may dalawang mukha ang kanyang idolo, isang kaaya-aya sa harap ng mga camera at isang demonyo pala sa tunay na buhay.

Namumutiktik ang pagmumura ni Paulo sa kabuuan ng pelikula, dalawa-singko ang pagsasabi niya ng “put----na” na para lang siyang kumakain ng kornik, hanggang sa pati si Charlie ay nahawa na rin sa kanyang idolo.

Hindi mo na papansinin kung totoo ba o hindi ang ipinakitang ari ni Paulo, mas makabuluhan ang galing niya sa pag-arte, mapaserye man o pelikula ay talagang maraming pakakainin ng alikabok ang aktor na ito.

At si Charlie Dizon, kinabog nito sa pagi­ging pinakamahusay na aktres ng MMFF sina Nora Aunor at Sylvia Sanchez, habambuhay na hindi makakalimutan ng dalaga ang superlatibo nitong pagganap sa Fan Girl na nagbigay sa kanya ng parangal.

Maganda na ay ang galing-galing pa ni Charlie Dizon, puro mura na ang kanyang inaabot mula sa kanyang idolo ay nakikipagsayaw pa rin ito sa pangangarap, imahinasyon na naging totoo sa pagbibigay ng kanyang kabirhenan sa kanyang idolo.

Karapat-dapat na parangalan sina Paulo Avelino at Charlie Dizon sa mapangahas nilang pagganap. Bagong istorya ito.

Mapamukaw ng imahinasyon, itinawid ng magaling na direktor na si Direk Antoinette Jadaone na sumulat din ng script na hindi lahat ng nakikita ng tagahanga sa kanyang idolo ay totoo rin sa tunay na buhay.

Iba ang nakamaskara sa hindi. Ibang-iba ang nasa harapan ng mga camera kesa sa tunay na ikot ng buhay ng artista kapag wala nang mga ilaw.

Best Actor, Best Actress, Best Director, Best Picture, Best Screenplay, Best Sound, Best Editing, Best Cinematography. Maliga­yang bati sa lahat ng mga bumubuo ng Fan Girl!

vuukle comment

PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with