^

PSN Showbiz

Pia, nagsalita na sa matinding karanasan ng kapatid

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pia, nagsalita na sa matinding karanasan ng kapatid
Pia
STAR/ File

‘God bless you and stay strong’ ang umaapaw na comments and messages ng mga kaibigan ni former Miss Universe Pia Wurtzbach nang finally ay magsalita na ito sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

“I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online. This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic expe­rience and I humbly ask everyone to be kind to her. We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.

“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko. Hi­ling ko na lang po sa inyo na isama n’yo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing. Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po,” ang buong message ni Pia sa kanyang IG page kahapon.

Sumagot naman ang sister niyang si Sarah ng : “I love you and thank you.”

Obviously nagkaayos na sila dahil sa IG story ni Sarah nalaman ng lahat na may problema pala ang kanilang pamilya at nilambast pa nga niya si Pia : “You don’t want to support your only sibling and then you always involve people who are not part of the discussion. If only people knew how horrible your and mama’s behavior is; just because I keep silent doesn’t mean I’m the one who is wrong here. I am the one who has to remain understanding when I was the one who was abused. You a**holes.”

At sangkot sa problema ang kanilang ina :

“People keep wondering how I lost the weight? Because our abusive mother said that I deserved to be raped because I’ve been crazy since I was a child. And that it was better for [my] children to be in a ‘strangers” family because their mother is crazy,” maalalang sabi ni Sarah sa kanyang unang rant.

“So abused= crazy? And I’m never allowed to talk about it? So suffer in silence while everyone is okay and moving forward?

“Instead of supporting me emotionally, I am told that I can’t talk because it would ruin everything you worked hard for? And I am told, ‘why do you want to get back at her so bad.’ F*ck you,” ang mga pinakawalan pa niyang pahayag.

At kasama nga ito sa pinag-usapan sa Take It…Per Minute, Me Ganun! kahapon nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu, na parang sila na nga ang sumusunod sa pamilya Barretto though parang pinipigilan na nga ni Pia na lumalala pa.

Bago ang pakiusap ni Pia ay nagsalita na rin ang nanay nila : “Noong nasa Pasig kami, siyempre kami lang tatlo, I’m a single mom. Si Sarah po nakakapuslit yan sa gabi.

“Meron po siyang barkada doon na mga babae rin, as a single mom, napakahirap alagaan ang dalawang babae na mestisa. Talagang binabantayan ko po ang mga anak ko.

“Gagawin ko ba iyan sa mga anak ko? Hindi po. Hindi po ako ganyang tao. Hindi po ako ganyang ina.

“Huwag ninyo akong husgahan kasi talagang inalagaan ko po ang aking mga anak,” bahagi ng YouTube statement ni Cheryl Alonzo Tyndall na sa London na rin nakatira.

Pero kung hindi rin naman sila titigil ng sagutan sa social media, talagang hindi rin sila tatantanan.

Kung gusto nilang magpaka-pribado sana usap na lang sila at ‘wag ilabas sa social media.

vuukle comment

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with