^

PSN Showbiz

Secret wedding nina Kz at Tj, may basbas ng mga magulang

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Secret wedding nina Kz at Tj, may basbas ng mga magulang
KZ at TJ
STAR/ File

Marami ang nagulat nang lihim na nagpakasal sina KZ Tandingan at TJ Monterde. Kamakailan ay napabalitang sa susunod na taon na posibleng ituloy ang pag-iisang-dibdib ng dalawa dahil sa kinakaharap nating krisis na dulot ng covid-19 pandemic.

August 28, 2020 nang magpakasal sina KZ at TJ sa The Farm at San Benito sa Batangas. Kahit hindi nakasama ng mag-asawa ang kanya-kanyang pamilya ay nasaksihan naman umano ng ilang malalapit nilang kaibigan ang kasal. “We’re very happy na tinuloy namin ‘yung pagpapakasal kahit na pandemic. We are celebrating but it doesn’t mean we’re being insensitive do’n sa mga may pinagdaanan. May pinagdaraanan din kami, but we always just try to find something that we can be grateful for everyday. And ngayon kahit di namin kasama both families namin, nakita namin sila January pa. Masaya pa rin kami na now kasal na kami. Pamilya na namin ang isa’t isa. Kahit hindi namin kasama ‘yung parents namin or siblings or nieces, meron na kaming kaagapay sa pandemic,” pagbabahagi ni KZ.

Matatandaang nag-propose ng kasal si TJ sa singer bago magtapos ang taong 2019. Pagpasok ng Enero ngayong taon ay agad sinimulang asika­suhin ng magkasintahan pa lamang noon ang pagpaplano para sa kanilang kasal. Maraming mga trabaho at personal na plano nina KZ at TJ ang hindi natuloy dahil sa pandemya. Ibang-iba raw ang nangyaring kasalan sa orihinal na plano ng dalawa. “Ibang-iba talaga, sobrang layo do’n sa original plan. But ‘yon nga, nagkaroon naman ng solusyon,” pagtatapat ng singer.

Maraming mga bagay ang natutunan ni KZ mula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa dahil sa banta ng pandemya. Para sa singer ay wala nang rason upang ipagpaliban pa ngayong taon ang kanilang kasal ni TJ. “Kung kaya natin gawin na nga­yon, gawin na natin ngayon. Kasi kung aantayin pa na matapos ‘yung pandemic, ang sinasabi two or three years, four years babalik na sa normal. Wala talagang certain eh, paano ‘pag in 10 years pa matapos? Kumbaga kaya naman na natin and our parents gave us the blessing naman din to get wed kahit wala sila physically,” paglalahad ni KZ.

Ejay, gaganap na bayani

Magbibida si Ejay Falcon sa historical film na Balangiga 1901. Isang malaking karangalan umano para sa aktor na makaga­nap bilang isang bayani sa isang makabuluhang proyekto na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. “Sobrang excited, nakaka-proud na gagawin mo ‘yung history. Talagang makikita mo dito ang mga bayani natin, ‘yung nangyari sa Balangiga 1901. Ito ang chance na maipakita namin ‘yung nangyari sa lahat ng mga tao especially sa mga kababayan natin sa Eastern Samar. Maraming hindi nakakaalam pero ang dami palang kuwento ng Balangiga 1901. Bilang artista ay very proud kasi bihira na magkaroon ng ganitong opportunity na makagawa ng ganito. ‘Yung role ni Captain Abanador ay very hero. Ang sarap pakinggan na gampanan ang isang bayani,” pahayag ni Ejay.

Ilang buwan nang walang ginagawang proyekto ang binata kaya naman handang-handa na raw ngayon na makabalik sa trabaho. Lock-in shoo­ting sa Tarlac ang gagawin ng buong production team ng naturang pelikula. “Kailangan kong magtrabaho, nagpapakatotoo naman tayo. Hindi lang kailangan in terms of financially, kailangang magtrabaho dahil na-miss mo ‘yung acting. ‘Yung gift na ibinigay sa iyo, ‘yung talent. Kailangan mo namang ilabas, ipakita. ‘Yung matagal nang hindi nagamit,” paliwanag ng aktor. - Reports from JCC

vuukle comment

KZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with