^

PSN Showbiz

COVID-19 ni Bong Revilla 'nauwi sa pulmonya,' isinugod na sa ospital

Philstar.com
COVID-19 ni Bong Revilla 'nauwi sa pulmonya,' isinugod na sa ospital
Kuha ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr.
Mula sa Instagram account ni Ramon "Bong" Revilla Jr.

MANILA, Philippines — Lumalala ang lagay pangkalusugan ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ngayong dumaranas siya ng coronavirus disease (COVID-19), pagkukumpirma ng kanyang misis sa social media, Martes.

Matatandaang ika-9 ng Agosto nang unang kumpirmahin ni Revilla ang kanyang COVID-19 infection, bagay na inakala lang niyang "sore eyes" noong simula.

Basahin: Bong Revilla gets COVID-19

"Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital," banggit ng kanyang misis na si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla.

"His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal."

 

Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed...

Posted by Lani M. Revilla on Tuesday, August 18, 2020

 

Kilala ang pneumononia bilang isa sa mga madalas na nagiging komplikasyon ng isang taong tinatamaan ng SARS-CoV-2 — ang virus na nagdudulot ng nakamamatay na COVID-19. Maaari rin itong ikamatay.

Maliban diyan, marami pang iba't ibang sakit na may kaugnayan sa baga ang idulot ng nasabing sakit, lalo na kung itinuturing na "severe" o malala ang isang kaso.

Sa video na in-upload ng actor-turned-senator noong ika-10 ng Agosto, matatandaang sinabi niyang inaapoy siya ng lagnat at nakararanas ng tuyong pag-ubo. Kapansin-pansin na mahina siya sa nasabing video.

"Hospital care badly needed. Father we lift him up to you," sabi pa ni Lani.

Naninindigan ang aktor na alam niyang kakayanin niya ang kasalukuyang dinaranas. "[L]alaban po ako," kanyang sambit. Sa kabila niyan, ipinagpapasa-Diyos na lang daw din ni Bong ang kanyang kalagayan sa huli't huli.

May kinalaman: Bong Revilla sa COVID-19 situation niya: 'Pag oras mo na, oras mo na

"I'm okay. Pero sabi nga eh, 'If it's your time, it's your time.' 'Pag tinawag ka na ng Panginoon, 'Time to go,' you go,'" banggit niya. —  James Relativo

vuukle comment

BONG REVILLA

LANI MERCADO

NOVEL CORONAVIRUS

PNEUMONIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with