^

PSN Showbiz

NAIA, gustong ipapangalan kay Piolo?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
NAIA, gustong ipapangalan kay Piolo?!
Piolo

Si Piolo Pascual agad ang naisip ng mara­mi nang kumalat ang proposal ni Cong. Paolo Duterte kasama ang dalawa pang lawmakers - Cong. Eric Yap and Cong. Lord Allan Velasco na palitan o i-rename ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas (PAPAPI).

Hehehe. As in ang bilis ng reactions.

Kilala kasi sa tawag na Papa P. ang Kapamilya actor kaya naman ang bilis nag-trending PAPAPI kasama ang edited photo niya.

Nag-file nga kasi ng House Bill No. 7031 ang anak ni President Duterte kasama ang dalawa pang kapwa mambabatas para baguhin na ang pangalan ng airport natin.

Dating Manila International Airport ito at ginawang Ninoy Aquino International Airport noong 1987.

Iba’t iba ang reaction ng netizens sa nasabing proposal. Bukod sa naisip nila si Papa P., unahin daw muna ang mga stranded passengers sa NAIA bago ito palitan ng pangalan.

Wala nga naman sa timing. Mas maraming puwedeng unahin.

Wala pang reaction si Papa P. sa isyung ‘ipapangalan’ sa kanya ang airport.

Anyway, sa Batangas na-lockdown si Papa P. kasama ang kanyang mommy.

 

vuukle comment

PIOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with