^

PSN Showbiz

AiAi move on na sa mga tibo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
AiAi move on na sa mga tibo!
AiAi delas Alas

Maraming netizens ang nag-react sa isang post ni AiAi delas Alas sa kanyang Instagram account na umayon siya sa desisyon ng Supreme Court na hindi i-allow ang same-sex marriage dito sa atin.

Marami rin ang nam-bash sa kanya pero pinanindigan ni AiAi ang kanyang paniniwalang dapat ang lalaki at babae lang ang dapat na ikasal sa simbahan.

“Iba-iba tayo ng opinyon diyan eh.

“Pero kung nagmamahalan kayo, okay lang sa akin yan.

“Ang ayaw ko yung sa simbahan na ikakasal.

“Kung exchange of vows o for legality okay lang yun,” pakli ng Kapuso Comedy Queen nang nakatsikahan namin sa mediacon ng pelikula niya sa Regal na D’Ninang na magsu-showing na sa January 22.

Marami raw siyang mga kaibigang kinukuha siyang mag-ninang sa same-sex marriage, tinatanggap naman daw niya. Pero hindi niya dinadaluhan kung may seremonya talaga sa simbahan. Magbibigay na lang daw siya ng pakimkim, pero hindi niya dinadaluhan.

“Kasi nga sabi nga sa Bibliya ‘di ba?

“Katoliko naman ako eh. Kung sa ibang relihiyon, hindi ko naman sakop yun, hindi ko naman pinapakialaman yun.

“Iba-iba tayo ng opinyon diyan. Pero ako pag nagmamahalan kayo, okay lang sa akin lahat yan. Huwag lang sila magpakasal sa simbahan.

“Marami kaya akong inaanak na LGBT,” dagdag niyang pahayag.

Tanggap naman daw niya ang relasyon ng parehong kasarian, pero kapag may kasalan na sa simbahan hindi raw siya agree.

Sinundan namin ng tanong si AiAi kung minsan ba ay naalok siya ng isang tibo na pakasalan siya at naisip ba niyang tanggapin?

“Move on na tayo diyan!

“Siyempre marami! Ganda-ganda ko no!

“Siyempre hindi! Saka wala naman dito nun, sa Amerika lang yun at sa ibang bansa,” natatawa niyang sagot sa amin.

Samantala, bahagi na rin ng promo ng D’Ninang ni AiAi, tamang-tama namang naimbitahan siyang mag-ninang sa libreng pabinyag sa Quiapo Church sa darating na Linggo, January 12.

Kuwento ni AiAi sa mediacon sa Valencia Events Place kamakalawa ng gabi; “Nag-text sa akin yung bestfriend ko na pari na parang merong libreng pabinyag sa Quiapo at kinuha akong ninang ng mga bibinyagan.

“Parang sponsored ng Radio Veritas. Kinuha nila akong ninang.

“So, sa Sunday nandun ako, mag-aanak ako sa binyag sa mga taong hindi ko kakilala. Ako ang kanilang major Ninang.”

Julie Anne nag-catching up kina Lea at Regine

Masayang kinuwento sa amin ni Julie Anne San Jose na nagkita raw sila ni Regine Velasquez sa Aliw Awards.

Natutuwa kasi si Regine kay Julie Anne na nakaya niyang mag-host sa The Clash na sinimulan naman ng Asia’s Songbird.

“Nagkita po kami ni Ate sa Aliw Awards. Magka-table kami nina Ms. Lea (Salonga), si Nyoy, si Gerald.

“Nagkakuwentuhan po kami, catch-up. Ang sarap lang po talaga,” kuwento ni Julie Anne pagkatapos niyang mag-rehearse para sa All-Out Sundays.

Napapag-usapan na nga ang season 3 ng The Clash at sana sila pa rin daw ni Rayver Cruz ang kukuning hosts.

Sa totoo lang, okay ang tandem nila ni Rayver at natuloy pa ito sa All-Out Sundays.

Kaya hindi pa masasabi ng Asia’s Pop Diva kung gagawa ba siya ng soap this year dahil naka-focus siya sa AOS at tinatapos pa niya ang album niyang may collaborations sa mga magagaling na singers.

Si Rico Blanco pa lang ang nasabi niyang may collab siya, pero may iba na hindi lang niya masabi sa ngayon.           

Pops takot nang mag-solo concert

Hindi pa masasabi ni Pops Fernandez kung kailan niya talaga ire-revive ang kanyang singing career.

Mas naka-focus pa rin daw siya sa pagpu-produce.

Siya nga ang producer dito sa Valentine concert nila ni Martin Nievera na Two-gether Again na gagawin nila sa The Theatre at Solaire sa January 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21.

Hindi pa raw niya masasabing nagbabalik na talaga siya sa pagkanta dahil takot pa rin daw siya.

“I’m still more of production, but when we decided to perform together, yun lang naman yun. It’s the perfor­ming together that made me decide,” pakli ni Pops.

Gamay na raw kasi niyang katrabaho si Martin, at bukod pa diyan, nakapag-show na raw sila sa US tour nila nung Pasko kaya hindi na siya gaanong kabado.

“Kasi, singing with Martin, I think mas madali for me. Kasi gamay na gamay na kami sa isa’t-isa at hindi na ako mangangapa. And of course, we’ve done it for how many years together. So, mas kumportable ako. Kaya lang naman ako nag-decide na kumanta uli,” saad niya.

Takot pa raw siyang mag-solo concert, kaya hindi raw niya alam kung kaya na ba niyang gawin pagkatapos ng kanilang Two-gether Again concert.

“Iba na kasi ngayon, at bihira na rin ngayon ang nagsu-solo di ba? Normally, madami na talagang magkasama.

“May nervous factor pa rin ako kung ako lang. Maraming nagtatanong kung magsu-solo na ba ako.

“I really have to think about it.” Napapangiti niyang pahayag.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with