^

PSN Showbiz

Kilalang personalidad na panlibro ang mga kaartehan, in love sa hunk actor na idini-deny

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung pagluluka-lukahan ang pag-uusapan ay saganang-sagana ang isang kilalang female personality na galing sa malaking angkan ng mga artista.

Makapagsusulat nga ng libro ng kanyang mga kalukringan ang isang dati niyang manager na nang lumaon ay hindi nakatagal kaya binitiwan na lang siya.

Sa kanilang magpipinsang artista ay kakaiba siya, ibang-iba siya kesa sa kanyang mga kadugo, kaya palagi siyang naeetsa-puwera kapag nagba-bonding ang mga pinsan niya.

Kuwento ng aming source, “Ibang klase ang mood swings ng babaeng ‘yun! Mahirap siyang ispilengin, ibang-iba ang ugali niya. Hirap na hirap siyang sakyan ng mismong mga relatives niya!

“Kapag nasa yes ang marami, siya lang ang mag-isang nasa no! Kapag okey ang lahat, siya naman, e, nakakontra, palagi siyang kalaban ng lahat!

“Kaya tingnan n’yo naman, kapag nagsasama-sama ang mga magpipinsan, e, siya lang ang wala, may sariling mundo kasi ang babaeng ‘yun!” unang sultada ng aming impormante.

Kung kaartehan ang pag-uusapan ay nangunguna ang babaeng ito. Marami siyang arte sa katawan, marami siyang hinahanap, marami siyang kinukuwestiyon.

Patuloy ng aming source, “Kahit sa linya ng trabaho niya, maraming naiinis sa kanya, sobrang arte nga kasi niya! Ipinaglihi siya sa make-up, brush at mga pangkolorete sa mukha ang bestfriend niya!

“Konting kibot lang, e, nakaharap na siya sa mirror, tinitingnan na niyang mabuti ang itsura niya! Mabuti nga at hindi nabubura ang face niya sa katitingin niya sa salamin!

“Take na niya, sasalang na siya, pero kailangan pang maghintay ang mga kaeksena niya dahil nagre-retouch pa siya! Ganu’n kaarte ang babaeng ‘yun na kung saan ipinaglihi ng nanay niya, e, siya lang ang nakakaalam!” tawa pa nang tawang kuwento ng aming source.

Maligaya ngayon ang maarteng female personality na ‘yun dahil lihim niyang karelasyon ang isang hunk actor na palagi niyang kaeksena sa isang serye.

“’Yun ang guy na nagpapaligaya sa kanya ngayon, nabuo ang relasyon nila sa project na pinagsasamahan nila ngayon. Baby ang tawagan nila, ang sweet-sweet nila palagi, pero ang sabi ng girl, e, magkaibigan lang sila, ha?

“Sana nga, e, matagalan ng guy ang kaartehan niya! Mapagbigyan din sana palagi ng hunk actor ang mga kalukri­ngan niya! Magtagal sana sila bilang lihim na magkarelasyon!

“Nakita na nga niya ang dream boy niya, pero denay pa rin siya nang denay, kaya bahala na siya sa buhay niya!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

‘Yun na!

Vice kailangang paghandaan ang susunod na gagawin

Sa kanilang noontime show nu’ng isang araw ay wala nang isinisigaw na milyones na kinikita ng kanyang pelikula sa MMFF si Vice Ganda.

Malayung-malayo ‘yun sa madalas niyang sigaw na nakakaisang milyon na raw ang kanyang pelikula, pasalamat siya nang pasalamat sa mga kababayan natin, dahil sa tagumpay ng pelikula niyang katatawanan.

Nu’ng Huwebes nang tanghali ay hindi na ganu’n ang arya ni Vice, pinasasalamatan niya na ang mga Pinoy na piniling humalakhak sa Kapaskuhan, kailangan daw tayong maging masaya lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Alam na ni Vice Ganda ang totoong nagaganap, nilundagan na siya nang ilang milyon ni Aga Muhlach, pinipilahan pa hanggang ngayon ang pelikulang iyakan nito habang panipis naman nang panipis ang nanonood ng pelikula ng sikat na komedyante.

Nakakalungkot para kay Vice ang senaryong ito, nasanay na kasi siya na palaging nagna-number one sa takil­ya ang kanyang mga lahok, pero may bitbit na leksiyon ang pangyayaring ito.

Kailangan niya nang paghandaan ang mga jokes na ibibigay niya sa manonood, itapon na niya ang mga gasgas niyang komedya, sa hirap ng buhay ngayon na ang halaga ng pampanood ng sine ay ilang kilong bigas na ang kasinghalaga ay talagang mamimili na lang ng panonooring pelikula ang mga Pinoy.

Mahirap ang buhay, hindi naman pinupulot lang sa imburnal ang mataas na halaga ng pampanood ng sine ngayon, kaya kailangang kapaki-pakinabang ang maging kapalit ng halagang ginagastos nila.

Maganda ring paminsan-minsan ay nakakatanggap ng pagkatalo si Vice Ganda para hindi siya masyadong kampante. Para hindi siya basta-basta nangingitlog na lang sa kanyang pedestal.

Level-up ang kailangan niyang matutuhan dahil mahigpit na ang labanan lalo na ngayong naghihigpit na rin ng sinturon ang manonood dahil sa hirap ng buhay.

vuukle comment

KAARTEHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with