Jeremiah
Jeremiah The Clash 2 winner!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang thanksgiving lunch kahapon ni Se­nator Lito Lapid sa entertainment press. Tumanggi si Senator Lapid na magsalita tungkol kay Michelle Ortega dahil may asawa na ito. Si Michelle ang ina ni Ysabel Ortega, ang lovechild nila ni Senator Lapid na mainstay ng The Gift ng GMA 7.

SCENE: Kung totoo na may pangalawang buhay, gusto ni Senator Lito Lapid na maging artista muli. Lumang Bakal ang pamagat ng pelikula na ginawa ni Senator Lapid na inaasahan na mapapanood sa mga sinehan sa susunod na taon.

SEEN: “Tapos na ang maliligayang araw bilang single. Simula ng maliligayang araw bilang husband.Relax, kaya mo ‘yan Jolo,” ang reaksyon ni Lani Mercado nang makita nito na umiiyak ang kanyang anak habang pinapanood nito ang bridal march ng fiancee niya na si Angelica Alita.

SCENE: Si Je­remiah Tiangco ang tinanghal na grand champion sa grand finals ng The Clash Season 2 noong Linggo. Nagpakitang-gilas si Jeremiah sa pagkanta pero sumablay ang boses niya sa kanyang huling kanta. Isang milyong piso, kotse, house and lot at exclusive contract sa GMA Artist Center ang mga premyo na natanggap ni Jeremiah.

JE­REMIAH TIANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with