^

PSN Showbiz

Nag-panic na umabot sa utak, Lorna namaga ang ilong dahil sa prosthetics!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nag-panic na umabot sa utak, Lorna  namaga ang ilong dahil sa prosthetics!
Lorna

Medyo nakahinga na nang maluwag si Lorna Tolentino nang nakausap namin kahapon kasi ilang araw din daw siyang walang taping sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya makakapagpahinga raw siya para deretso na ang  paggaling nang namaga niyang ilong.

Muntik na kasi siyang na-confine sa hospital dahil sa inilagay na prosthetics sa mukha niya.

May mga eksena si LT na dapat matakpan ang nunal niya sa mukha kaya nilagyan ng prosthetics na kung saan pinakapal ang labi niya.

Hindi lang alam ng aktres kung anong chemicals ang nahalo sa prosthetics na nung binlower daw ito para tumuyo, may mga nakapasok at sumiksik na gamot sa ilong niya.

Akala niya allergy lang sa alikabok nang nagti-take na ito ng eksena dahil nagka-nose drip na raw siya.

Pero kinabukasan, namaga na ang ilong niya kaya pina-check up niya ito sa doktor.

Binigyan siya ng gamot na i-take, pero medyo nag-worry lang siya dahil ang sabi ng doktor, mabuti lang daw na hindi nagka-infection. Delikado kasi kapag sa ilong magka-infection dahil malapit lang ito sa utak. Mahirap na kung umakyat pa ito sa utak.

Kaya patuloy na minu-monitor si Lorna ng EENT niya dahil nung kinumusta namin kahapon, medyo nakakaramdam pa raw siya ng sakit sa ilong, kahit nawala na yung maga.

Iyun lang ang ikinatakot na niya baka magka-infection dahil kung mangyari yun kailangan niyang i-confine sa hospital.

Hindi raw siya puwedeng ma-hospitalize dahil kailangan siya sa taping ng naturang teleserye.

Mabuti na lang at natapos nang maaga ang taping nila nung Lunes Santo, at kahapon kasama na ang apo niyang si Tori na nagbakasyon sa kanilang farm.

Baka Wednesday next week na raw sila mag-resume ng taping dahil nasa bakasyon na ang karamihang artista.

Ang pagkakaalam ko, sa Japan si Coco Martin. Hindi ko lang alam sino ang kasama niya.

Kisses at Maymay palakasan ang fans

Ang bongga pala nitong si Kisses Delavin na magkakaroon na ng sarili niyang concert  sa The Music Museum sa April 25.

Ang sabi ng taga-Star Magic sold-out na raw ang tickets, kaya doon lang ako nakumbinseng masipag talaga ang fans niya sa pagsuporta sa kanya.

Nag-trending sa twitter itong concert niya kaya super buy naman ang mga fans ng tickets.

Special guests ni Kisses sa kanyang pa-concert sina Marlo Mortel, AC Bonifacio, at Six Part Invention.

Kaya nagtataka ang ilan bakit wala si Donny Pangilinan na ka-loveteam niya yata.

Naiintriga pa siya kay Maymay Entrata na ayaw din paawat ang fans.

Sabi naman daw ng taga-Star Music, malapit na ring ma-sold out ang tickets ng album launch nila ni Edward Barber.

Meron din kasi itong MayWard sa April 28 na gaganapin sa Skydome ng SM North EDSA.

Kaya dito talaga maglalaban kung alin ang mas malakas na suporta ng fans. Ang kay Kisses o kay Maymay!

Dito talaga magaling gumawa ng formula ang ABS-CBN 2 na painitin ang mga young star nila na kaagad kinakagat ng mga fan.

Abangan na lang natin ang salpukan ng mga artista nila.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with