^

PSN Showbiz

Cristine Reyes hindi na naghahanap ng kasiyahan sa buhay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Cristine Reyes hindi na naghahanap ng kasiyahan sa buhay
Cristine

Sa March 27 ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Maria na pinagbibidahan ni Cristine Reyes. Ngayon lamang nakagawa ang aktres ng maaaksyong mga eksena para sa nasabing proyekto mula sa Viva Films. Ayon kay Cristine ay nagbago ang pananaw niya sa buhay mula nang sumabak sa nasabing action film. “Iba na, iba na ‘yung outlook sa buhay. Hindi na naghahanap ng kasiyahan pa sa buhay, actually wala akong hinahanap pa sa buhay ko ngayon,” makahulugang pahayag ni Cristine.

Aktibo nang muli sa trabaho ang aktres kaya masayang-masaya si Cristine sa mga proyektong dumara­ting sa kanya. “For me, dati kasi noong bata ako parang, ‘Ayaw ko magtrabaho. Bakit ba ako magtatrabaho?’ Pero ngayong 30 (years old) na ako, ‘No! I need to work.’ And wala nang fun for me and gusto ko nang umuwi, gusto ko nang makita ang daughter ko,” pagbabahagi ng aktres.

Wala na raw ibang pinapangarap pa si Cristine ngayon kung hindi ang magkaroon ng magandang buhay ang kanyang buong pamilya. “At 30, siyempre a comfortable life. Ever since naman po, ako lang talaga ang nag-work for myself, and I can really say that I’m self-made. Ever since I started fifteen years ago, ever since 2003, I also helped my family and nobody really helps me financially,”paglalahad niya. 

Samantala, kabilang din si Cristine sa teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit na malapit nang mapanood sa Kapamilya network.

Nadine Lustre nang-eengganyong alagaan ang dagat

Adbokasiya na ngayon ni Nadine Lustre na pangalagaan ang mga karagatan at bawasan ang basura katulad ng plastik. Para sa aktres ay malaki ang maitutulong niya bilang isang artista na hikayatin ang mga tagahanga at mga kababayan na alagaan ang mga dagat sa buong bansa. “I think my biggest contribution is awareness. I know I have a lot of followers and a lot of people check my Instagram, my social media. So I can help spread awareness,” pahayag ni Nadine. 

Naging kaisa na ang aktres ng international environmental organization na Greenpeace na nagsusulong na pangalagaan ang ating kalikasan. Noong nakaraang linggo ay nag-ikot si Nadine sa Rainbow Warrior vessel na nakadaong sa Manila Bay. Nalungkot ang dalaga nang masaksihan ang mga basurang nakalutang sa dagat. “I was upset kasi nasa Bangka kami, ang dami kong nakikitang trash na nagpo-float lang sa water. So I was so upset kasi hindi ko siya kayang pulutin,” pagbabahagi ni Nadine. 

Ayon pa sa dalaga ay hihikayatin din ang kasintahang si James Reid upang makiisa sa bagong adbokasiya para magsilbi silang huwaran lalo na sa mga kabataan.  (Reports from JCC)

vuukle comment

CRISTINE REYES

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with