^

PSN Showbiz

Joyce engaged na!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Joyce engaged na!
Kevin at Joyce

SEEN: Apektadong-apektado ng pagpanaw ni Kristofer King ang kanyang misis na si Nikki Reyes na idinaan sa Facebook Live ang pagluha at pagluluksa. Ibinahagi rin sa social media ni Reyes ang palitan nila ng mga text message ni Kristofer noong nabubuhay pa ito tungkol sa kanilang mga pagkakautang.

SCENE: May special participation sa Dragon Lady sina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio. Si Kristoffer ang young James Blanco at young DJ Durano si Derrick sa bagong afternoon prime program ng GMA-7.

SEEN: Ang rebelasyon ni Joyce Ching na si Kristoffer Martin ang nakipaghiwalay sa kanya noon. Ikinalungkot ni Joyce ang nangyari kaya ibinuhos niya sa pag-aaral ang kanyang panahon. Engaged na si Joyce kay Kevin Alimon,  na isang video director.  

SEEN: Mapapanood si Leo Martinez sa Dragon Lady at featured actor siya sa Ulan, ang pelikula nina Nadine Lustre at Carlo Aquino. Matatandaan ng mga manonood ng Ulan ang malulutong at double meaning dialogues ni Leo.

SCENE: Hindi sinabi nina James Reid at Billy Crawford ang gagawin nina Nadine Lustre at Coleen Garcia sa The Cr3w, ang major concert nila sa Smart Araneta Coliseum sa April 5, 2019. “Panoorin n’yo na lang” ang sagot ni Billy sa mga nagtatanong sa special participation sa The Cr3w ng kanyang asawa at GF ni James.

SEEN: “She’s still the mother of my son. I respect her and I will always respect her for the rest of my life,” ang straightforward at hindi nagpapakontrobersyal na sagot ni Phillip Salvador sa mabibigat na paratang ni Kris Aquino laban sa kanya. 

SCENE: Sina Gabby Concepcion, Regine Velasquez, Martin Nievera, Benjamin Alves, Dave Bornea at Alden Richards ang featured performers sa TeacherFest 2019 ng Gabay Guro na magaganap ngayong hapon, March 2, 2019 sa Sta.Rosa City Sports Complex.

JOYCE CHING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with